Kaye’s POV
Hinila ako ni Kyana palabas ng cafeteria.
Habang naglalakad kami sa hallway, patuloy pa rin na umaagos ang aking luha. Ang laki naman nung bato na pumasok sa mata ko! >< Kung akala niyo na umiiyak ako. Pwes! Nagkakamali kayo! Napuwing lang ako noh!
Tinanong ko si Kyana kung bakit niya ako hinila palabas.
“Ah! Kyana! Bakit mo pala ako hinila?” takhang tanong ko.
“Para patahanin ka sa pag-iyak mo.” Sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Oh? Bakit ka tumatawa diyan?” takhang tanong din niya.
“HAHAHA! Hindi naman ako umiiyak eh! Napuwing lang ako. Tsaka sana hndi mo na ako hinila, para maaway ko rin yung maldito na iyon. Palaban kaya ako. Hmp!” sabi ko sa kanya.
Tumawa nalang din si Kyana sa mga sinabi ko.
“Wew! Napahiya ako doon ha?! Hahahahaha!” sumabay na lang din ako sa tawa niya.
“Sayang naman ng mga binili mo. Iniwan lang natin doon. Tara balikan natin!” aya ko sa kanya. Eh! Ang laki’2 ng gastos niya doon.
“Nevermind that thing Kaye” sabi ni Kyana.
May naalala ako. May baon pala akong sandwich. Hehe, pinadala ni papa sa akin.
“Ay Kyana! Share nalng tayo nitong sandwich ko. Naalala ko may pinadala pala sa Papa sa ‘kin.”
Tapos kinuha ko yung sandwich na nilagay ni tatay sa bag ko. At hinati ito sa dalawa. Binigay ko sa kanya yung half.
“Thank you Kaye!” sambit niya habang kinakagat yung sandwich.
“Walang anuman Kyana!” nag usap lang kami ng nag usap ni Kyana, hanggang sa napag desisyunan na namin na bumalik sa classroom.
Pagdating namin wala pa yung teacher. Kaya eto ako nag babasa, habang si Kyana may kausap sa phone niya.
Nang nasa gitna ako ng pagbabasa, may biglang nag salita, na tila nakapag painit ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Ficțiune adolescențiAno kayang mangyayari sa simple at masayang buhay ng Prinsesa pag nalaman na niya na ang pamilyang nagpalaki sa kanya ay hindi niya pala totoong pamilya? Sasaya pa rin ba siya sa piling ng kanyang totoong pamilya? At matutunan niya bang magmahal sa...