Nandito ako ngayon sa hospital at umiiyak. Bakit ba? Ano bang ginawa ko sa kanila para bigyan nila ako ng pilay? Ang sakit naman nito :'( hindi ako makakalakad. Huhu!
Nandito ngayon ang pamilya ko pati si Kyana. Bigla ko nalang napansin na magkamukha sila ni Kuya. Sila siguro ang magkapatid -___- joke lang!
Tahimik lang ang buong kwarto. Nang biglang nagsalita si Kyana.
"Sorry po talaga sa nangyari tita, tito. Sasabihin ko agad nila Mommy at Daddy ang mga nangyari ngayon, para ma bigyan ng mga parusa ang mga unggoy na yun." kanina pa talaga siya nag appologize na 'Sorry kasi hindi kita kasama kanina, hindi sana mangyari yan sayo ngayon' na line.
"Aba dapat lang nilang panagutan ang nangyaring ito kay Yawe! Hindi kaya madali ang mapilay, at worst, hindi pa makakalakad si Yawe ngayon!" galit na sabi ni Mama. Pero hindi siya galit kay Kyana. Dun sa mga unggoy na yun siya galit.
"Dear, huminahon ka. Magiging okay din si Yawe." mahinahon na pag sabi ni Papa kay Mama.
"OKAY?! BALIW KA BA BENSITO?! NAPILAY NA NGA ANG ANAK MO!" sigaw ni mama kay papa. Nag-away lang sila ng nag-away. Nang mapansin ko si Kuya na tahimik lang sa sulok at nakatulala.
"Pst hoy kuya!" tawag ko sa kanya. Pero walang respnse. Kaya binatuhan ko na siya ng bulaklak. Syempre kasama yung palayok para may impact! Dijklng! Hindi ako ganyan ka mean no! Binatuhan ko siya ng tinapay pero nasalo niya ito. Para talagang ninja 'tong si Kuya -__-
"Problema mo?" tanong ko sa kanya pero parang confused siya.
"Ikaw, ano problema mo? Bakit mo ako binatuhan ng tinapay? Alam mo ba na blessings ito galing sa lang--" Eto nanaman si Kuyaaaaa!!! Kaya pinutol ko ang sasabihin pa niya sana.
"AMEN AMEN! HALLELUJAH!" tapos umiling lang siya at si Kyana naman ay tumawa lang..
Nag-tatalo pa rin sila Mama at Papa. Haay! Pusa at aso talaga.
Si Papa ang pusa at si Mama naman ang aso. Saddista kasi si Mama eh -__-
Pagkatapos ng mahaba habang pag daldal ng Mahal kong Ina. Umuwi na kami. Sawakas! Pero hindi pa din ako nakakalakad huhu :(
Binuhat ako ni Kuya papunta sa kwarto ko.
"Thank you Kuya." tumabi muna siya sa akin at tinitignan ako ng seryoso sa mga mata.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionAno kayang mangyayari sa simple at masayang buhay ng Prinsesa pag nalaman na niya na ang pamilyang nagpalaki sa kanya ay hindi niya pala totoong pamilya? Sasaya pa rin ba siya sa piling ng kanyang totoong pamilya? At matutunan niya bang magmahal sa...