Kaye’s POV
“Nooooooooooooo! Hindi ko classmate si Prince Marc ngayong school year. Huhu!” ang daming OA nitong skwelahan na ito! Hindi lang nila classmate yung Prince nila iiyak na. Psh! :3
Nandito nga pala ako ngayon sa School Bulletin. Naghahanap ako kung saang section ako. At panigurado naman na nasa Section A nanaman ako. Tiningnan ko yung pangalan ko sa Section A. At voilà! Hindi nga ako nagkakamali.
Dumiretso na ako sa classroom ng 3rd Year-Section A. Hindi pa marami yung mga students na nandito. Eh paki ko?! Halata naman na miss nila yung friends nila. Psh! Nagtataka kayo kung bakit ako lang mag-isa? Wala akong kaibigan. Bakit? Kasi trip ko lang. Meron akong mga kaibigan noong elementary pa ako. Public school kasi yun. At scholar lang kami dito ni Kuya sa Royals Academy. Si Kuya, nag-aaral na ngayon sa isang University. College na kasi siya.
Aaminin ko. Magaganda at gwapo, mayaman, at sikat na mga estudyante ang mga nag-aaral dito. Ewan ko ba kung bakit Royals Academy pangalan ng school na ito! Eh, Philippines naman ‘tong bansa namin. Hello?! Democratic kaya ang Philippines! Hindi Monarchy! Aba! Ganda din ng trip ng may ari ng school na ito. Psh!
Nagbabasa lang ako ng libro. Habang hinihintay ang teacher namin. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may nagsalita.
“Ahm, pwede po bang tumabi sa iyo?” nakangiti niyang tanong.
“Sure!” sabi ko.
“Salamat.” Tapos umupo na siya sa tabi ko.
“New student k aba dito?” tanong ko. Hindi kasi siya familiar para sa akin. Er! Hindi naman talaga familiar para sa akin yung mga students ditto sa Royals eh! Pano kasi, hindi ko maintindihan aura nila.
“Ah, hindi naman. Hindi mo ba ako kilala?” gulat at takhang tanong niya.
“Hindi eh. Sorry. Hindi kasi ako mahilig maki pag kaibigan sa mga students ditto. Pa transform-transform kasi ng mga aura” sabi ko sa kanya. She just chuckled.
“I’m Kyana Louise Sy. But you can call me Kyana.” Sabay lahad niya sa kanyang kamay. Inabot ko naman ito.
“Ako nga pala si ---“ naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumabat.
“Ikaw si Kaye Cortes diba?” sabi niya ng nakangiti.
Eh? Bakit niya ako kilala?
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Novela JuvenilAno kayang mangyayari sa simple at masayang buhay ng Prinsesa pag nalaman na niya na ang pamilyang nagpalaki sa kanya ay hindi niya pala totoong pamilya? Sasaya pa rin ba siya sa piling ng kanyang totoong pamilya? At matutunan niya bang magmahal sa...