NAALARMA si Trinity nang mapansing wala sa kanyang tabi ang pamangking si Travis. Naglambing ang kanyang pamangkin, nagyaya sa mall at dahil minsan lang niya itong madalaw ay kanyang pinagbigyan. Limang taong gulang ang kanyang pamangkin at napakabibo. Sa sobrang kaligaligan ay iyon na nga at nawawala na sa kanyang tabi.
Papatayin siya ng kakambal na si Toni kapag hindi niya nahanap ang bata. Bumibili lang siya ng ice cream para sa bata at buong akala niya ay nasa tabi niya lang ito ngunit paglingon niya ay wala na. Hawak ang cup ng ice cream ay mabilis siyang naglakad para hanapin ang pamangkin.
Nang kinse minutos na siyang naghahanap at bigo pa rin ay tinawagan na niya ang kakambal. Patungo na rin siya noon sa isang store associate para i-page ang pagkawala ni Travis. "What, Trinity?" gulat na react ni Toni nang sabihin niya rito ang nangyari. Dalawa na sila ngayong nagpa-panic. "God!"
"But I will find him, okay?"
"Saang mall ba iyan? Pupunta ako ngayon na."
Sinabi niya rito kung saan. Habang nagpapaalam kay Toni ay napatakbo si Trinity dahil nakita niya ang pamangkin sa dulong bahagi ng mall. May kasama itong estranghero. "Travis!"
Nakangiting nilingon siya ng bata. "Tata!" bati pa nito sa kanya na parang hindi pa siya mababaliw sa kahahanap dito. Nakasanayan na ng bata ang tawagin siyang Tata.
Napapikit si Trinity. "Mababaliw ako sa kahahanap sa'yong bata ka!" sermon niya agad. "Halika rito." Sumunod naman si Travis at humawak sa kanyang kamay.
Binalingan ni Trinity ang lalaking kasama ni Travis upang magpasalamat ngunit nabitin ang mga salita sa kanyang labi. This guy... She knew him.
"Trinity," bati sa kanya ng lalaki. It was Vio. Octavio Romualdez, the jerk. "We were about to find his tata. Ikaw pala ang hinahanap niya."
Tila mapupunit ang labi ni Trinity nang ngumiti siya, isang walang kasing pekeng ngiti. "Salamat sa pagsama sa pamangkin ko. We're going."
"It's been what? Fifteen years? Pagkatapos ay nagmamadali ka ng umalis."
Tinitigan niyang maigi ang lalaki. Walang nagbago maliban sa pagma-mature ng itsura nito. It seemed like time has been good to him. She didn't changed too. Sa pagkahaba-habang panahon na lumipas, hindi pa rin nawawala ang sama ng loob niya sa lalaking ito.
"Hinahanap na si Travis ng mommy niya."
"Para namang wala tayong pinagsamahan niyan," anito, umaarteng tila mga college students pa rin sila.
"Meron ba?" Hindi niya napigilang itanong. Binalingan niya si Travis. "Let's go."
Baka pa makapiyok si Vio ay tumalikod na siya hila-hila ang pamangkin. Tumigil pa si Travis para lingunin si Vio. "Bye!"
"Tara na," ulit niya saka naglakad palayo. Habang naglalakad sila ni Travis patungong parking lot ay tinawagan niya na si Toni para sabihin ditong nahanap na niya si Travis.
"Travis, sweetheart, don't do that again, okay? Paano kung masamang tao ang nakakita sa'yo at hindi ka isauli sa'min? Your mom and dad will kill me. Your grandpa will die. Gusto mo ba iyon?" sermon ni Trinity sa pamangkin.
"No, tata. I'm sorry."
PAGKAHATID kay Travis sa bahay ng kakambal niya ay umuwi na rin agad si Trinity. She didn't want to see how happy her twin sister with her bestfriend and their son. Hindi dahil sa gusto niyang maging malungkot ang mga ito kundi dahil lalo niyang nakikita kung ano ang kulang sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Trinity's Yesterday and Today
RomanceSequel po ito ng Ladies' Man meets Toni Villanueva :)