"SANTI naman! Ginusto ko ba ang pesteng halik na iyon, ha?" frustrated na tanong ni Trinity sa kaibigan. Maghapon na siya nitong dinedeadma.
"Hindi ako galit sa'yo, Trining," ani Santi. Sobrang lungkot ng boses nito at muli ay nakadama siya ng awa para sa kaibigan. "Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko namang ganito ang kalalabasan ng nararamdaman ko para kay Vio pero ang sakit-sakit pa rin. Naiinis ako dahil alam ko namang hindi mo ginustong mahalikan niya pero inggit na inggit pa rin ako. Ang sama ko ng kaibigan." Maya-maya pa ay umiiyak na ito.
Inakbayan ni Trinity si Santi. "Hindi ka masamang kaibigan, okay? Masamang tao lang iyong lalaking gusto mo," pang-aalo niya rito. "Huwag kang mag-alala, igaganti kita sa kanya."
"Paano?"
"Paluluhain ko ng bato ang lalaking iyan. Makikita niya. I will make him fall for me and I will throw him like a trash."
"I don't think that is a good idea, Trining," ani Santi. Tuluyan na itong tumigil sa pag-iyak.
"He needed to learn his lesson, Santi. Sino ba siya sa akala niya para manakit ng damdamin ng iba ng ganoon na lang? Hindi lang siya ang marunong maglaro. I will do everything para maiganti ka."
"Trining..."
"Just trust me, Santi."
"Malabsa na ang noodles, ma'am."
Napaigtad si Trinity nang may marinig na boses. Isa iyon sa mga kasambahay. Hinalo ni Trinity ang noodles at saka kumain. Umaga, tanghali at gabi na cup noodles lamang na galing Japan ang kinakain niya.
Dumating kasi mula Japan ang kaibigan niyang si Santi at may bitbit itong isang kahong cup noodles para sa kanya. Hindi pa rin nakakalimutan ng kaibigan niya ang mga paborito niya kahit na matagal silang hindi halos nag-uusap dahil abala na sa kanya-kanyang buhay.
Nakatagpo ng tunay na pag-ibig si Santi sa Japan. Napakabuti rito ng nobyo nitong hapon, mahal na mahal nito si Santi. Nakakatawa ngang isipin na noong kabataan nila, si Santi ang takot na takot dahil baka raw walang magmahal dito, walang sumeryoso. Ngunit sino sa kanilang dalawa ngayon ang may makulay na love life?
Pagkatapos kumain ay naghanda na sa pagpasok sa opisina si Trinity. That was her life. Bahay-opisina, opisina-bahay. Kung weekend at hindi masyadong busy, nagiging bahay-pamangkin-mall.
At sa mga ganoong panahon na pakiramdam niya ay napag-iiwanan siya ay may isang lalaking palaging pumapasok sa isip niya. Sa kakaisip nga yata niya rito ay na-attract niya ang pagbabalik nito sa buhay niya. Si Vio...
She still wondered how life to him was. Kung ang pagbabasehan ay ang huling pagkikita nila, marahil nga ay nagbago na ito. He turn into a man from an immature college boy. Siguro ay ganoon talaga ang mga lalaki, late mag-mature.
Pagdating sa opisina ay nawala naman sa isip niya si Vio kung hindi lang siya tinawagan ni Santi para lang sabihing nakita nito si Vio nang araw na iyon.
"He's still handsome. Ay hindi, mas gwapo ngayon ang hinayupak!" anito ngunit may kilig ang tinig.
"Hey, Crisanto," saway niya sa kaibigan. "In case you forgotten, you have Shuichi in your wonderful life."
"Sino ba ang nagsabing nakalimutan ko? Sinabi ko lang na mas gwapo siya ngayon, ibig bang sabihin, bet ko na naman?"
"Eh, bakit mo pa ako kailangang tawagan para lang sabihing nakita mo siya?"
BINABASA MO ANG
Trinity's Yesterday and Today
RomansaSequel po ito ng Ladies' Man meets Toni Villanueva :)