Chapter 9

5.2K 104 2
                                    

"YOU?" natatawang tanong ni Trinity kay Adam. Ito pala ang ka-blind date niya. "Ikaw pala ang apo ng kaibigan ni daddy. Small world, huh?"

"Mabuti na lang pala at napilit ako ni lolo na siputin ang ka-blind date ko," ani Adam, malapad ang ngiti.

"It's been awhile," aniya rito.

"Ikaw, eh. Iniiwasan mo ako."

"Hindi, 'no? Busy lang talaga ako."

"Sandali, akala ko ba may nagugustuhan kang iba? Bakit pumayag ka sa blind date na 'to?"

"Wala, eh. Ayaw niya sa'kin," aniya saka pilit na ngumiti.

"Ayaw sa'yo? Siraulo pala ang lalaking iyon."

"Mas siraulo ako kung ipagpipilitan ko ang sarili ko. Tama?"

"Tama," ani Adam saka tumango.

Ang buong akala ni Trinity ay mababagot siya sa gabing iyon. Mabuti na lang pala at kilala niya ang ka-date. Ilang linggo silang hindi nagkita ni Adam at marami na itong kuwento. But at the middle of their conversation, Vio crossed her mind.

Ganoon palagi, kahit ano ang ginagawa niya, bigla na lang dadaan ang lalaki sa isip niya at hihigupin ang lahat ng konsentrasyong mayroon siya. "Trinity?" untag ni Adam sa kanya.

"Sorry. Saan na nga ulit tayo?"

"Ang sabi ko, mabuti na lang at hindi si Caleb ang pinadala ni lolo sa date na 'to. Si Caleb kasi ang eldest grandson."

"Caleb San Gabriel? Madalas ko siyang makita sa mga business functions."

"You wouldn't enjoy his company. Masyado siyang seryoso. Ni hindi nga marunong magbiro ang isang iyon."

"Sinisiraan mo ang pinsan mo," biro niya kay Adam.

"I'm just telling the truth," balewalang tugon nito.

"Alam mo kung sino ang gusto kong ma-meet sa mga pinsan mo?" nakangising sabi niya kay Adam.

Naningkit ang mga mata nito. "Sino?"

"'Edi si Basti," aniya saka tumawa. Si Basti ay ang celebrity nitong pinsan. Basti San Gabriel is a household name in the country. Hindi ka Filipino kapag hindi mo ito kilala.

"You wouldn't want to date him."

"Who says I will? Mas matanda ako 'dun," mabilis niyang sagot. "Iinggitin ko lang si Santi. Crush niya kasi ang pinsan mo."

"Yeah, nabanggit nga niya sa'kin."

And they keep on joking around until the restaurant announces that they will close anytime soon. "Hindi na natin napansin ang oras," sabi nito.

It was a good thing for her. Ilang oras din niyang hindi naalala si Vio. She should always hang out with Adam. Dapat pala ay sa madaldal siya sumasama para nalilibang siya. Si Santi naman kasi, kung kailangan niya ay saka bumalik sa Japan. Nagkaproblema kasi ang nobyo nito sa negosyo kaya mabilis na lumipad ang dalawa pabalik.

"Huwag mo na akong ihatid," aniya kay Adam.

"Why?"

"I want to drive. Paano? Kapag hindi na lang tayo ulit busy?" nakangiting tanong niya sa lalaki.

"Ikaw lang naman ang laging busy."

"I'll call you," imbes ay sabi niya sa lalaki saka tumayo. Hindi pa agad umuwi si Trinity. Dumaan siya sa isang bar at mag-isang uminom. Nais niyang namnamin ang pagiging sawi. Tatandaan niya ang pakiramdam para hindi na niya na ulitin. Hindi pa kasi siya nadala noong una, umasa siya at humirit ng pangalawa. Ngayon, kailangan na niyang pagtandain ang sarili.

Trinity's Yesterday and TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon