Chapter 8

4.9K 96 0
                                    

"KAYA ayoko ng mga ganitong party, boring," mahinang bulong ni Trinity kay Santi. Trinity was trapped in that party because her father couldn't come. Malapit na kaibigan ng daddy niya ang mga Samonte. Thirty fifth wedding anniversary ng mag-asawang Samonte kaya walang choice si Trinity kundi ang dumalo roon.

Mahigpit na bilin ng daddy niya na um-attend siya dahil mga importanteng tao ang mga Samonte. Kailangan daw na pangalagaan ang kanilang mga koneksyon. Bilang masunurin siyang anak ay naroon siya ngayon hila-hila si Crisanto na mas nag-e-enjoy pa kaysa sa kanya.

"Ano'ng boring? Ang daming byola. Kahit hindi na ako kumain, busog na busog na ako."

Kung tama ang pagkakaalala ni Trinity, ang byola ay gwapo. "Naiirita ako rito sa suot ko," patuloy ni Trinity sa pagrereklamo.

"Ang ganda kaya!" giit ni Santi. "Gusto mo, palit tayo? Isuot mo 'tong tuxedo ko."

Sasagot sana siya ngunit nakita niya ang pagdating ng isang pareha. Nang sandaling iyon ay lalo niyang nahiling na sana ay hindi siya um-attend sa party na iyon. Vio was there, escorting his witch girlfriend.

"O, bakit tulaley ka?"

Hindi siya sumagot kaya tumingin na lang si Santi sa direksyong tinitignan niya. "Hala ka, Trining!"

Nagtama ang mga paningin nila ni Vio at wala man lang siyang emosyong nabasa sa mukha nito. "Wa epek yata ang plano mo, Trining. Parang in love pa rin siya sa mangkukulam."

"We're just starting," ani Trinity. "Pasasaan ba't mare-realize niya ring mas lovable ako kaysa sa mangkukulam niyang girlfriend. Maghihiwalay din 'yan. Trust me, okay?"

Tinignan siya ni Santi na parang isa siyang nakakatakot na nilalang. "Nakakaloka kang ma-in love, Trining."

Buong gabi ay pinilit ni Trinity na kunin ang atensyon ni Vio ngunit bigo siya. Hindi naghihiwalay ang magnobyo. Para bang alam ni Ether na hindi nito puwedeng bitiwan si Vio dahil may bantay-salakay sa paligid.

Nang makita niyang patungo sa rest room si Vio ay sinundan niya ito. Noon lang siya nagkaroon ng pagkakataon kaya hindi dapat magpatumpik-tumpik. Sumandal siya sa pader habang naghihintay ng paglabas ni Vio. Wala siyang pakialam kahit nakadikit sa malamig na pader ang malaking bahagi ng kanyang likod dahil sa tabas ng kanyang gown.

"Why are you acting like you don't know me?" tanong niya kay Vio na hindi man lang napansing naroon siya. Muntik pa siyang lagpasan.

"Trinity, please? I'm with Ether. Do you really have to do this?"

Mabilis pa sa alas-kuwatrong napasimangot siya. "Ni hindi ka man lang nag-hi!" May karapatan namang sumama ang loob niya, hindi ba?

"Come on, Trinity. Don't make a scene. I'll call you later." Tinalikuran na siya nito at nagmartsa palayo.

Ganoon ba ang pakiramdam ng other woman? Iyong parang naaawa ka sa sarili mo pero desidido ka pa ring lumaban kahit nasasaktan. Huminga ng malalim si Trinity at saka hinanap si Santi. Mas makabubuti kung uuwi na siya. Being in one place with Vio and Ether was not good for her heart.

"I'M sorry..."

Tinupad ni Vio ang pangakong tatawagan siya pag-uwi nito. "Wala naman akong magagawa," tugon ni Trinity.

"I'm here outside your house. Let's talk."

Napatayo siya. Ang buong akala niya ay nakauwi na ito. "Sa ibang araw na lang tayo mag-usap," aniya saka muling naupo. Ayaw niyang makita nito kung gaano siya kaapektado sa mga pangyayari. Ano ang sasabihin nito? Siya ang may gusto niyon kaya wala siyang karapatang mag-inarte ngayon.

Trinity's Yesterday and TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon