Chapter 4

5.4K 103 0
                                    

NAPANGITI si Vio nang maalala si Trinity. Ayon sa kaibigan nito ay wala pa itong nobyo. Ang kaalamang iyon ay sapat na para matuwa siya.

"Vio, you're smiling alone. What is it?" tanong ni Ether. Ito ang girlfriend niya.

Napabuntong-hininga si Vio. How can he think of another girl when he was with her girlfriend? "Nothing."

Tinignan siya ni Ether ng ilang segundo habang nakangiti. Halatang hindi ito naniwala ngunit hindi na rin nag-usisa. Ether was her on and off girlfriend. Natural lang siguro dahil wala naman siyang madalas sa Pilipinas. Mas magulo pa ang sitwasyon nila sa sitwasyon ng Philippine politics.

Ngunit mayroon siguro silang matinding koneksyon kaya hanggang sa puntong iyon ay magkasama pa rin sila. When Ether heard that he was back in the country, she immediately approached him and told him that they can still work out. He decided to give it a try. Ganoon naman lagi.

At sa totoo lang, maayos naman silang dalawa kapag magkasama, kapag nasa Pilipinas siya. Nag-iiba lang ang ihip ng hangin kapag may trabaho siya sa ibang bansa. Naiintindihan naman niya si Ether. Kailangan nito ng atensyon at hindi niya iyon naibibigay. But despite all of his shortcomings, she keeps coming back to him.

"Nakalimutan mo na namang hindi ako kumakain ng mushroom?" nakalabing tanong ni Ether habang inihihiwalay ang mushroom sa gilid ng plato.

Mushroom... Palihim na napangiti si Vio.

Nakabaluktot si Vio sa kama, balot na balot ng kumot. Walang tigil sa pagri-ring ang cellphone niya ngunit wala siyang lakas para tumayo at sagutin ang tawag. Nang sa wakas ay tumigil ang pagri-ring ay nakatulog siya ngunit saglit na saglit lang iyon dahil biglang kumalabog ang gate.

Ipinikit ni Vio ang mga mata, walang pakialam kahit sino pa ang nambubulabog sa bahay niya. Nahihilo siya at sobrang sakit pa ng ulo. "Vio!"

That voice. He knew that voice. "Trinity..." aniya sa isip. He didn't have the strength to say something.

"Vio, nandyan ka ba?" Nakapasok na sa gate ang babae at sa pinto na ng mismong bahay itong kumakatok. He heard her trying to open the doorknob. Naka-lock iyon. Nais na niyang tumayo at pagbuksan ito ngunit hindi niya talaga kaya.

Nawala ang tinig ni Trinity. Umalis na ba ito? O nananag-inip lang siya? Hallucination niya lang ba ang tinig nito?

"Vio..." There goes her voice again. "Vio?"

Umungol si Vio nang tanggalin ni Trinity ang kumot na nakabalot sa kanya. He felt her touched her forehead. "Hala! Ang init mo. Ang taas ng lagnat mo."

Ibinalik nito ang pagkakakumot niya at umalis. Pagbalik nito ay may bitbit ng palanggana. Pinunasan nito ng malamig na bimpo ang kanyang mukha. Ipinikit ni Vio ang mga mata at saka huminga ng malalim.

"Akala ko trip mo lang na indian-in ako, eh," anito habang pinupunasan siya. "Sayang, hindi mo mapapanood ang singing contest na sasalihan ni Ayesha pero hayaan mo na iyon. Marami pa naman siguro siyang singing contest na sasalihan."

Salita ng salita si Trinity kahit na hindi na niya halos ito maintindihan sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam. "Kumain ka na ba?" tanong nito.

Bahagya niyang idinilat ang mga mata at pinilit na umiling. "May pagkain ka ba rito?" tanong ulit nito. "Hinang-hina ka ba talaga at hindi ka makasagot?" nag-aalalang tanong nito saka muling dinama ang noo niya.

Trinity's Yesterday and TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon