"WAS that Ayesha Malvar?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Santi. Nakatingin ito sa bandang likuran ni Trinity kaya napalingon ang huli.
Trinity automatically smiled when she met eyes with Ayesha. Lumipas ang maraming taon ngunit nanatili ang magandang samahan nila ni Ayesha. Paminsan-minsan ay nakakakuwentuhan niya pa ang babae. "Hey, preggie!" bati ni Trinity kay Ayesha. Nasa sinapupunan nito ngayon ang pangatlong anak.
"Trinity!" anito saka nagmamadaling lumapit sa kanya. Humalik ito sa kanyang pisngi bago kumaway kay Santi. "Santi, blooming ka."
"Thanks, Ayesha."
Ilang taon makatapos makagraduate ni Trinity sa kolehiyo ay nabalitaan niyang ikakasal na si Ayesha sa nobyong si Frank. Inimbitahan siya nito ngunit hindi siya dumalo dahil ayaw niyang makita ang stepbrother ni Frank na si Vio. Nagdahilan na lang siya noon kay Ayesha.
"Trinity, malapit ko ng ilabas 'tong pangatlong baby ko, ano na? Dalaga ka pa rin," ani Ayesha sa kanya.
"Iyan na nga ang sinasabi ko d'yan kay Trining. Ewan ko ba d'yan," singit ni Santi.
Napapailing na inirapan niya ang dalawa. Maya-maya ay napatitig siya kay Ayesha. She can still remember the first time she ever saw her.
Masakit na ang mga paa ni Trinity sa suot na heels. Matataas ang mga mesang nakakalat sa paligid. Standing ovation ang drama niya. Salamat sa kakambal niya na sapilitan siyang pinagsuot ng ganoon dahil bagay daw sa suot niya. She was wearing a knee-length pink tube dress. Ang itaas na bahagi ay beaded at nangangati siya sa totoo lang. Isa pa ay hindi siya sanay sa ganoong kasuotan ngunit wala siyang nagawa kay Toni.
Nakiusap siya ritong ayusan siya dahil hindi siya marunong ngunit hindi niya alam na aalisan siya ng karapatan nitong tumanggi kapag ayaw niya nang pinasusuot sa kanya. Ngayon nga ay mukha siyang a-attend ng JS prom. Mabuti na lang at bumagay ang porma niya sa pagdiriwang.
Ngunit bukod sa nakaka-imbyernang outfit ay mas nabubuwisit siya kay Vio. Isinama siya nito sa party na iyon kahit wala siyang kilala. Magpanggap daw siyang girlfriend nito para quits na sila, ngunit hindi naman siya kinakausap. Mapapanis na ang laway niya.
"Toni!"
Naiitirik ni Trinity ang mga mata. Ilang beses na siyang napagkamalang ang kakambal niya sa gabing iyon. Nananawa na siyang sabihing hindi siya si Toni.
"Toni's at home. I'm Trinity," aniya saka bahagyang nginitian ang babaeng hindi niya kilala.
"Oh! I'm sorry."Binalingan ng babae si Vio. "Cousin, akala ko si Toni Villanueva na ang girlfriend mo."
"Why?"
"Wala. Ang suwerte mo lang kung si Toni ang girlfriend mo. You'll be more popular."
"Mas maganda ang girlfriend ko kaysa kay Toni, mas matalino, mas simple at walang kaarte-arte."
Inirapan ng babae si Vio at saka nagmartsa palayo. Binalingan siya ni Vio pagkuwan. "Pasensya ka na kay Iris. Idol yata niyon ang kapatid mo."
"It's fine. Teka nga, Vio, bakit ko ba kailangang magpanggap na girlfriend mo? Parang wala ka namang ex-girlfriend dito na tinatakasan."
"Wala nga."
"Eh, bakit nga?"
"Gusto ko lang."
BINABASA MO ANG
Trinity's Yesterday and Today
RomanceSequel po ito ng Ladies' Man meets Toni Villanueva :)