Paano ba magmahal ang isang babae?
Nakakagulat ba? Ito ang una kong naisip na topic since there are a lot of people who are in love and inspired. Marami kasing mga lalaki ang nalilito sa kung paano ba talaga magmahal ang mga babae.
Mas close ako sa mga lalaki kaya marami ang nagtatanong sa akin kung paano nga ba magmahal ang mga babae.
1. Sobrang malambing - Number one yan. Kung ganito ang girlfriend mo, oh my gosh huwag mo nang pakawalan. I am telling you guys, aside from your mother or grandmother, napakasarap maglambing ang mga babae. Feeling mo ikaw ang pinakaguwapong lalaki sa buong mundo. Kaya huwag kang mahiya kung some time ay gusto kang punasan ng pawis ng girlfriend mo. Kasi ibigsabihin lang niyan ay ayaw ka niyang matuyuan ng pawis.
2. Concerned - Ang babae, usually sa mga bestfriend lang nila yan concerned. Pero once na minahal ka niyan, anjan yung lagi ka niyang inaalala, mapa-academic purposes man yan or family matters. May kakilala kasi akong girl na sa sobrang pagka-concerned niya sa isang lalaki, she sacrificed most of her time for that guy. Yung fact na ginagawan niya ng assignment si guy, pati project at tinuturuan pa sa Math dahil gusto niya itong makasama sa top 10. At nangyari nga, nakasama sa top 10 si guy pero malungkot lang kasi si girl naman ang hindi nakasama sa ranking. Bumaba kasi ang grades niya. Pero wag naman kayong gagaya sa kanya ha? Kasi shunga-shunga siya. Alam niyo kung bakit? Dahil sa sobrang kagagahan ng loka, siya pa kamo yung napagbintangang nakakasira sa studies ni guy. Sobrang sakit diba? Pero anong magagawa niya?
3. Madaling mapaiyak - Ang babae, sensitive yan. Konting sigaw, konting bagay na nakalimutan mo, there is a possibility na umiyak yan. Madali kaming masaktan. Lalo na kung niloloko kami. Kapag may kaaway kami, crying is the only thing that could make us feel better. Kaya kung tunay kang lalaki, huwag na huwag kang magpapaiyak ng babae. Isipin mo na lang na nanay or sister mo ang pinaiyak mo? Diba masakit?
4. Willing to sacrifice everything - May mga babaeng ganito kung magmahal. Tulad nung kinwento ko sa number 2. Usapang grades lang yun pero big deal yun. Si girl kasi, never pa siyang natanggal sa top 10. Pero nung nagmahal siya, yung time na dapat sariling project at assignment niya ang ginagawa niya, she managed to do the boy’s requirements first. Ganun ang ibang mga babae. Yung tipong martyr-effect. Siguro para sa iba katangahan yun pero para dun sa mga babaeng ganito kung magmahal, maybe to sacrifice everything is the only thing na naiisip nila upang hindi sila pagsawaan ng mahal nila.
5. Becomes corny - Natural sa mga babae ang mag-joke, maging cheerful and funny. But once they felt love, lumalala yun. Kahit walang sense na mga joke ay sinasakyan nila dahil ganun sila kasaya.
6. Moody - Hindi ko alam kung may mga babae pa bang hindi moody ngayon. Kasi ang mga babae, pabago-bago talaga kung mag-isip. Segurista kasi kami. Ayaw namin yung basta-basta lang. Usually nagiging moody kami kapag nagkukulang sa atensyon. Believe me, gusto lang namin magpalambing.
7. Faithful - Ang babae kahit kinukutuban na yan, kahit maraming beses nang nagkukuwento ang mga kaibigan nila about sa panloloko ng boyfriend/asawa nila, hindi sila agad naniniwala. Kasi naniniwala kami sa ‘To see is to believe’. Pero once na mahuli namin ang isang lalake while doing unfaithful things, magtago ka na. Pero sinisigurado ko sayo na kahit saang lupalop ng daigdig ka pa magtago, lintik lang walang ganti.
8. Loyal - Bilang isang babae, super loyal kami sa mga taong mahal namin, lalo na kay boyfie. Wag kayong magseselos kung sabihin naming may crush kaming lalaki. Dahil CRUSH lang yun. No other serious feeling. At isa pa, wag din kayong magseselos kung naguguwapuhan kami sa ibang lalake. Remember, hindi nagmamahal ang mata.
9. Selosa - Seriously? Totoong selosa kami. Madamot. Insecure. Ayaw namin na yung mga bagay na ginagawa ng mga lalaki sa amin ay ginagawa din nila sa ibang babae. Gusto namin kami lang. Gusto namin kami lang yung special.
10. Mother-like - Oo na. May mga babaeng kung umasta sa mga lalaki akala mo siya yung nanay. Anjan yung magtetext na umuwi ka na or asan ka na ba? But believe me, kaya kami ganun dahil nag-aalala kami. Tsaka isipin mo rin na baka pasaway ka lang talaga kaya ganyan ang girlfriend mo sayo.
Kung lalake ka at ganyan ang girlfriend mo, wag mo nang pakakawalan. Pero kung ayaw mo sa ganyang babae, ikaw din. Choice mo yan eh. Pero wag na wag kang babalik sa kanya once na na-miss mo siya. Dahil mahirap maghilom ang sugat sa puso ng isang babae. Not unless, martyr siya.So ayun, tapos ko na yung isang topic. Kayo na bahala manghusga.
BINABASA MO ANG
Paano?
ChickLitPaano? May mga tanong ka ba tungkol sa babae o lalake? Tara! Usap tayo!