Paano masaktan ang mga babae?

2.1K 16 3
                                    

Paano masaktan ang mga babae?

Babae ang pinaka-sensitive na nilalang sa mundo. Madali kaming masaktan at umiyak. Kasi gusto namin yung pakiramdam na prinsesa kami sa mga prinsipe namin.Kung magmahal kami, todo-todo. Kaya naman pag nasaktan kami, todo-todo rin.

1. Umiiyak - Number one ito sa kung paano kami masaktan. Mababaw ang luha ng mga babae kasi mababaw din naman ang kaligayahan namin compared to boys. Kaya dapat ang mga babae, sineseryoso, hindi niloloko.

2. Naninigaw - Kung lalaki ka at nasigawan ka na ng babae, please do understand. Gusto naming ilabas yung sakit na nararamdaman namin pero hindi namin masabi ng diretsahan. May mga ma-pride din namang mga babae kay the just tend to keep their problems kaya yung galit ay naibubuntong sa taong sisira ng araw namin.

3. Naglalasing - Tuwing nasasaktan ang babae, andiyan ang mga barkada to the rescue. Syempre pag barkada, handa kang tulungan sa problema, at number one na maiisip nila ay ang pag-inom ng alak as well as sa mga lalaki.

4. Nanunuod ng movie - Pag nasasaktan ang isang babae, maiisipan niyang manuod ng movie. Yung malayo sa naging karanasan niya. Yung mga RomCom, Horror, etc. Ayaw naming manuod ng movie na halos kagaya ng love life namin. Mas masakit pag ganun.

5. Nakikinig sa music - Seriously, talamak sa mundo ngayon ang mga babaeng pag nasasaktan ay nakikinig ng bongga sa music. Feeling kasi nila lahat ng kanta ay bagay sa emosyong nararamdaman nila. Ganun talaga.

6. Nananampal - Kung ikaw ang nanakit sa isang babae, asahan mo ang isang sampal mula sa kanya. Sa kanya mo na lang itanong kung bakit siya nanampal. Siguro para gisingin ka sa katotohanan na mali na sinaktan mo siya.

7. Nagsesenti - This is same as listening to sad songs. Ay juice colored. Habang tinutugtog yung kanta ay sinasabayan pa yan ng babae kasabay ang sunud-sunod na patak ng mga luha. Ganun kami ka-drama. Pang best actress.

8. Nagtatampo - Pag babae ang nagtampo, lagot ka na. May mga babae kasing matagal magtampo. Yung kahit lumubog ka sa kumukulong mantika, tumalon sa 100th floor ng building, kumain ng bubog at kung anu-ano pa, basta nasaktan mo, ayaw na magpatawad. Pero may mga iilan din martyr sa kagagahan na sorry lang ay pwede na.

9. Kumakain - Admit it. Most of girls ay nahihilig kumain ng ice cream o kahit ano pang matatamis na pagkain kapag nasasaktan. Tulad ko, ice cream ang pinagdidiskitahan ko kapag nasasaktan ko. Feeling ko kasi bestfriend ko yung pagkain. Kasi kahit dikdikin ko ng dikdikin yun, hindi yun magrereklamo. Busog pa ako.

10. Nagkakaraoke - May kaibigan akong ganito. Every time na nasasaktan siya, magyayaya siyang magkaraoke. Kasi yung mga kantang kinakanta niya ay ang way para masabi at mailabas niya yung sakit.

11. Nagtataray - Asaha mo ng pag nasaktan mo ang isang babae, magtataray yan. Hindi ka kikibuin o titignan man lang. Parang hindi ka na nag-eexist sa mundo.

12. Nagmumukmok - Ayan yung mga babaeng wala ng nakikitang pag-asa sa buhay. Nagkukulong sa kwarto at ayaw makausap ang kahit sino. Nakakatakot na yan. Para sa mga parents, you should be aware kasi nagiging dahilan yan ng attempting of suicide.

13. Tahimik - May mga babaeng tahimik lang kung masaktan. Kunwari okay lang siya but deep inside ay kailangan niya ng makakausap. Kung lalaki ka at sinabihan ka ng babae na umalis ka na, don’t give up. Try your best to please her. Pride is little price to pay compared to a girl that you might lose forever.

14. Nagiging bitter - Aminin mo baka isa ka na sa mga babaeng ganito. Bitter kami boys. Walang forever. Andyan yung magpaparinig kami ng kung anu-ano kahit paulit-ulit lang yung statement hangga’t hindi ka humihingi ng tawad o hindi ka namin napapatawad. And lastly,

15. Nagpapaganda - I like those girls who take their heartache as a positive sign for them to improve themselves. Ito yung mga babaeng laging positibo sa buhay. Yung babaeng biglang nauntog at natauhan kaya gumanti. Imbis na magmukmok at mamroblema, why don’t you just fix yourself and show that someone who brought you pain that you can live without him in your life. Ganun dapat.

Oh my gosh. I’ve done this already. Thanks for my girl friends who helped me thinking of these things. I am deeply showing my gratitude to Sophia, Ate Danna and Hazel - they are my bestfriends also.

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon