Paano ba magmahal ang isang lalake?

8.9K 19 2
                                    

Paano ba magmahal ang isang lalake?

Syempre kung meron sa babae, dapat meron din sa mga lalake. Unfair naman diba?

Yung mga sagot dito ay based on my survey sa mga kaklase at kaibigan kong mga lalake. Meron ding mga nao-observe ko lang.

May mga lalaking supe nacu-curious tayo dahil masyado silang tahimik pag pinag-uuspan ang love. Pero ang hindi natin alam ay:

1. Hindi showy - Torpe in short. Seriously? Usung-uso yan sa henerasyon natin ngayon. Malihim talaga ang mga lalaki, kunwari wala silang pakialam sayo but deep inside ay halos lumundag na ang puso nila kung mahal nila ang isang babae.

2. Duwag - Hindi ito yung typical na duwag na as in ‘MATATAKUTIN’. This duwag term means yung tipong hindi pinapakita ng guy na umiiyak sila. Kunwari di sila nasasaktan, kunwari okay lang sa kanila. Pero ang totoo, pag mag-isa lang sila, dun nila nailalabas ang mga hinanakit nila. Hindi mahilig magpakita ng SAD EMOTION ang mga lalake dahil sa expectation sa kanila ng mga babae. May mga makukulit kasi na nagsasabing ‘Drama mo pare!” o kaya “Kalalaki mong tao umiiyak ka? Bakla ka ba?” Diba nakakainis? Hind porke umiyak ang isang lalaki ay mahina o bakla na. Hind porke lalake sila ay wala na silang karapatang umiyak, tao din sila nasasaktan.

3. Seloso - Ito ang talamak sa panahon ngayon. Para sa mga lalake, wag naman kayong masyadong maging seloso lalo na kung wala namang dapat ikaselos kasi nasasakal din kaming mga babae. Possessive na kasi ang dating nun sa amin. Habang mas hinihigpitan kami ay mas lalo kaming nagsasawa at gustong kumawala. Kaya dapat limit your jealousy side.

4. Usisero - Hindi ko nilalahat pero may mga lalaking sobra na sa mga Tamang Hinala. Kesyo nakipag-usap ka lang sa ibang lalake, nagtawanan lang kayo o di sinasadyang nahawakan niya kahit dulo ng buhok mo, ayan na si Mr. Usisero. Pero hindi din naman natin sila masisisi. Pwede rin namang yung guy na pinagseselosan nila ay may gusto sayo or ex mo. So be careful na lang for girls.

5. Sweet - Utang na loob sino kaya ang lalaking nagmamahal na hindi sweet? Akala lang ng mga babae ay walang meaning para sa mga lalaki ang ginagawa nila towards them. Pero ang totoo, ito yung paraan nila ng pagpapakita ng love. Sweet sila in a way na kapag ginabi ka ng uwi ay akala mo tatay mo na raratratin ka ng messages na “hoy babae! Umuwi ka na!” May mga ganun talaga kaya dapat magpasalamat ka pa kung ganun siya sayo.

6. Mayabang - Huh. Ang mga lalaki pag nagmahal gagawin ang lahat para mapansin lang ng taong mahal nila. Anjan yung sasali siya sa isang contest na ayaw niyang salihan o kaya naman ay halos maglupasay na siya sa gitna ng daan para lang ma-impress ka.

7. Papansin - Jusko. Maraming lalaki ang ganito. Sa tingin kasi nila, this is the only way para mapansin sila ng mga babae. Kadalasan ay aasarin ka nila, kukurutin sa ilong o kahit ano pang paraan para lang magreact ka. Dahil ang taong madalas mang-trip sayo ay ang taong may lihim na pagtingin sayo. And to tell you the truth, siya yung lihim na sumasaya sa tuwing nakukuha ang atensyon mo.

8. Makulit - Normal sa mga lalaki ang pagiging makulit. Anjan yung bigla kang kukuhanan ng isang bagay nang hindi mo alam. Tapos kapag hinanap mo na, kunwari di nila alam. But unknowingly, baka ginagawan na niya yun ng ritwal sa bahay nila. O kaya tinatago niya dahil sayo yun.

9. Maporma - Ang mga lalaking inlove, daig pa ang babae kung magbabad sa harap ng salamin para lang ayusin ang buhok nila. Gusto kasi nila na mas guwapo silang tignan para sa babaeng mahal nila. Tsaka ganun naman talaga pag in love, nagiging malinis at conscious sa katawan.

10. Matipid - Ito yung isa sa mga kapansin-pansin sa mga kaibigan kong lalake. Wag kang magagalit kung hindi ka niya mailibre ng pagkain o maipag-shopping ngayon. Dahil baka hindi mo alam, nag-iipon sila para sa anniversary niyo, monthsary o sa birthday mo. Konting unawa din girls. Tsaka ang lalaki, hindi ginawa para manlibre ng mga babae. Pwede ba wag ka ring pa-sosyal. May sarili ring buhay ang mga lalaki kaya hindi naman pwedeng sayo lahat mapunta ang baon niya na binibigay lang din naman ng mga magulang niya. Much better kung mag-hati na lang kayo ng bayad kung may date kayo. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kinakailangan lalaki ang gagastos kapag may date sila ng babae. Bakit? Lalaki lang ba kakain? Hindi pa ba sapat yung mga ginastos niya para lang mapasagot ka? Tsk. Mahabag ka naman sa boylet mo.

Anyway, wag kayong magagalit sa mga pinagsusulat ko. Nililinaw ko lang, some are just my opinions and some are based on my observations and surveys. Kung gusto mong mag-inaso wag kang mag-side comment jan habang binabasa mo to. Just keep your mouth off.

So back to the topic, napakaswerte mo girl kung ganito si boyfie. Wag ka ng magreklamo kung guwapo man o hindi. Yes I know that facial appearance is the first thing that we notice from a guy. Feel kita dahil babae din ako. Pero kung sing itim ng butt ng kawali ang ugali niya ay wag na lang. Dun na ako sa kahit mukhang 3210 ang itsura ay pang best in Character Education naman ang ugali.

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon