Paano mo malalaman na nagmamahal ka na?

1.8K 17 1
                                    

Paano mo malalaman na nagmamahal ka na?

Marami sa atin ang nalilito sa meaning ng crush at love. Nakakalito naman talaga para sa mga teenagers. Sa panahon kasi ngayon, uso ang crush para sa mga high school students. Kahit nga grade school students nagkaka-love life na eh. Yung crush lang pero feeling niya love na. Siguro dala lang ng mga napapanuod natin sa TV.

But anyway, malalaman mong nagmamahal ka na by finding this situations.

1. Pag kasama mo siya, kahit wala naman kayong ginagawa, parang kuntento ka na. Kahit di kayo nag-uusap parang solve lahat. Basta alam mong nasa tabi mo lang siya sobrang okay na.

2. Nakakaramdam ka ng kakaibiang feeling pag may kausap siyang iba. Parang kumikirot yung puso mo lalo na pag nagtawanan sila. Parang nakakaramdam ka ng, selos.

3. Yung kaya mong magtiis sa isang bagay para sa kanya. For example, yung paborito mong laro ipinagpaliban mo muna kasi bigla siyang nagtext or nag-message sa FB.

4. Yung dumaan lang siya sa isip mo bigla ka na lang napangiti. Kakaibang ngiti.

5. Namimiss mo siya kahit sandali lang kayong hindi nagkita.

6. Sobrang concerned ka sa kaniya.

7. Kung kaibigan mo siya o ka-tropa, parang feeling mo may nag-iba. Yung dati okay lang na hawakan niya yung kamay mo. Pero ngayon bigla ka na lang nakukuryente. In short, naiilang ka na.

8. Gandang-ganda o guwapong-guwapo ka sa kanya kahit pa bagong gising siya o ang gulo ng itsura niya.

9. Gusto mo palagi safe siya. Gusto mo lagi mo siyang kausap at kasama. Tapos pag kasama mo siya, nakakalimutan mo yung mga problema mo.

10. Isang ngiti niya lang, feeling mo nasa heaven ka.

11. Nasasaktan ka pag nasasaktan siya.

12. Kapag kasama mo siya feeling mo safe na safe ka.

13. Lahat ginagawa mo para mapasaya mo siya.

14. Papansin ka sa kaniya.

15. Hindi ka naman mabait at malambing pero naglalambing ka sa kanya.

16. Hindi kumpleto ang araw mo pag di mo siya nakikita.

17. Titingin lang siya, kinilig ka na.

18. Pag kasama mo siya yung puso mo ayaw huminto sa pagtibok nang sobrang bilis. Yung tiyan mo parang may butterflies na gustong kumawala.

19. Feeling mo lahat ng kanta, nakakarelate ka.

20. Ngumingiti ka habang binabasa mo to kasi naiisip mo siya.


Ano daw? Sa totoo lang mahirap talagang malaman kung nagmamahal ka na. Baka kasi natutuwa ka lang pag kasama siya o dahil siya lang yung opposite gender na nakakasama mo. Pwede rin namang akala mo mahal mo na siya dahil yun ang gusto mong isipin.

Pero wala naman talagang best definition ang love eh. Hindi mo talaga maipapaliwanag yun. Basta pag naramdaman mo na yun, may mga magbabago sayo.

Sa love dapat handa kang masaktan. Kasi hindi naman pwedeng puro saya lang diba? I am sure hindi ka naman bibigyan ni God ng problema na hindi mo kaya

Huwag kang magreklamo kung ang taong mahal mo ay ka-opposite ng ugali mo. Kasi pag binigay sayo yung taong katulad mo, walang magbabago sayo. Hindi mo malalaman yung mga pagkakamali mo. At pag walang nagbago sayo, ibigsabihin hindi ka nagmamahal ng totoo.

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon