CASE # 3 : Bestfriend

2.7K 57 1
                                    

"Ang yummy talaga ni Kurt! Woooh ang hot niya at ang macho pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ang yummy talaga ni Kurt! Woooh ang hot niya at ang macho pa. Tsk! Hindi pa ako kumakain pero busog na busog na ako,"

— Police Inspector Jose Makabugto

__________    ⚖    _________

"Naku! Sabi ko na nga ba Pards eh. Tama nga ang chismis na hindi mo na ako ka-tandem sa bago mong misyon." Malungkot na wika ni Police Inspector Jose Makabugto nang sinabi niya rito ang napag-usapan nila ni General Delfin kahapon. "Ano ba 'yan. Nakakalungkot namang isipin na hindi na ikaw ang partner ko sa bago mong misyon," nakalabing dugtong pa ni Jose.

"Tsk! Kahit naman ako Pards, nalulungkot rin sa desisyon ni Tatang. Pero naisip ko rin na mas maigi na rin iyong magkahiwalay muna tayo ngayon," aniya sabay tayo sa kinauupuan at naglakad patungo sa mesa ni Jose. "Bukod kasi sa walang kwenta ang naipasa sa'king misyon. Nagsasawa na rin ako sa pagmumukha mo Pards, kaya naisip kong mas maganda na rin na hindi na muna tayo partner ngayon, 'di ba?" nakangiti niyang kausap sa kaibigan.

"Ganun?" mahinang sambit ni Jose.

Kung titignan ang reaksyon nang mukha nito ay halatang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Pinapagaan lang niya ang sitwasyon. Ayaw rin naman niya sa naging desisyon ng Heneral, pero ano ba ang kaniyang magagawa? Kahit naman siya ay nalulungkot din sa nangyari. Matagal din ang pinagsamahan nila ni Jose, mula noong nagsisimula pa lang ito hanggang ngayong may ranggo na rin ang kaibigan ang lagi niya itong kasama. Tapos bigla-bigla na lang ay maghihiwalay sila ng misyon. Nakakalungkot nga naman talaga.

"Nagsasawa na rin naman ako sa pagmumukha mo pards, pero ni minsan hindi ako nagreklamo roon. Mas sanay kasi akong ikaw ang partner ko," seryosong wika ni Jose. Hindi yata nito na gets na nagbibiro lamang siya.

"Ikaw naman. Masyado kang seryoso pards, sige ka! Tatanda ka niyan agad," natatawa niyang biro sa kaibigan. Ngunit nanatili lamang itong nakayuko at malungkot ang itshurang nakapinta sa pagmumukha.

It's not a big deal anyway. Pero sa nakikita niyang lungkot sa mukha ni Jose ay nalulungkot na rin siya para rito, lalong-lalo na sa kaniyang sarili.

"Sino kaya ang bago kong partner, Pards?" mayamaya'y tanong ni Jose.

Nilingon niya ito sabay kibit-balikat. "Wala rin akong ideya, pards," sagot ni Ice sa kaibigan. "Hindi ko pa nga rin nakikilala kung sino man ang bago kong partner. Basta ang sabi lang ni Heneral Delfin ay may bago akong misyon at ang misyong iyon ay hindi na ikaw ang partner ko. I must obey him because that's his order. Tanggapin ko ang misyon, labag man iyon sa aking kalooban," paliwanag niya rito.

"Sabagay. Tama naman ang Heneral," sang-ayon pa ni Jose. "Iyon ang ipinangako natin bago tayo pumasok sa propisyong ito, Pards, kaya kahit labag pa sa loob mo, kung tungkulin ay tungkulin talaga nating sundin ang utos ng mga nakakataas," anito sabay ngiti. Ngiting hindi man lang lang nagtagal sa labi ng kaibigan.

The Presidents SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon