PROLOGUE : The Massacre

8.9K 128 3
                                    

November, 2009

"Nakita niyo po ba ang mama at papa ko?" tanong niya sa bawat taong nakakasalubong.

Anong oras na at hanggang ngayon ay hindi pa din nakakauwi ang mga ito. Ang sabi lang nito kanina ay pupunta lang sa Munisipyo dahil may kailangan silang pirmahan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din nakakauwi ang mga magulang niya.

"Ante Luz, nakakita ka sa akong mama og papa sa Munisipyo?" agap niyang tanong ng makita ang Ante Luz na kapatid ng papa niya.

"Hala Ice! Hindi pa ba sila nakakauwi? Hindi ko naman sila nakita do'n. Ano bang sabi ni mama at papa mo? Anong oras na ah, kumain na ba ang mga kapatid mo?" nag-aalalang tanong nito.

Pasado alas-diyes na ng gabi at totoong gutom na silang magkakapatid kaya nga hinahanap niya ang mga magulang. Hindi naman ugali ng mga magulang niyang pabayaan sila kaya kataka-takang hindi pa rin nakakauwi ang mga ito sa ganitong oras. Hindi man lang nag-aalala ang mga ito kung kumain na ba sila, lalo na ang bunso nilang si Charice.

"Hindi pa nga po ante," nakayuko niyang sambit.


Medyo nahihiya siya sa mga kamag-anak ng pamilya niya. Hindi siya sanay na nanghihingi ng pagkain sa iba dahil hindi naman nagkulang ang mga magulang. Kaya lubos niyang ipinagtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ang mga ito.

"Adto mo sa balay. Isama mo ang mga kapatid mo. Saka niyo na lang hintayin ang mga magulang niyo kapag nakakain na kayo ha. Baka may ginawa pa sila kaya na late ng uwi," anito saka siya sinabayan ng lakad pauwi sa bahay nila upang isabay ang tatlo pang niyang mga kapatid.

November-23-2009

"Ice gising! Gising Ice!" kalabog sa labas ang nagpagising sa tulog na tulog na diwa ni Ice.

"Ante?" inaantok niyang sambit. Hindi niya alam kung anong oras na siyang nakatulog sa kakahintay sa mga magulang kaya hanggang ngayon ay inaantok pa rin siya.

"Pag-ilis kay muadto ta sa Sultan kudarat."

Ang tinutukoy nitong lungsod ay nasa Maguindanao North, Mindanao.

"Ano po ba ang gagawin natin doon Ante?" takang tanong ni Ice.

"Huwag ka nang magtanong pa ng mag-tanong, Ice. Dahil kailangan na nating makapunta d'on agad," anito na halata sa boses ang kaba at tensiyon na hindi niya maintindihan kung ano, ngunit pati siya'y kinakabahan na din.

Nahahawa yata siya sa tiyahin. Kaya nagmadali siyang pumahik upang magbihis. Tulog na tulog pa rin ang mga kapatid niya kaya mabilis lang siyang nakapagbihis at agad din silang umalis ng kaniyang tiyahin na si Luz.

Ilang oras lang ay narating din nila ang siyudad ng Sultan Kudarat, sumakay pa sila ng tricycle upang marating ang Baranggay Ampatuan. Ipinangalan ang Barangay sa makapangyarihang pamilya na kinasasakupan nito. Si Anthony Ampatuan Sr. ang nirerespetong tao sa barangay na natukoy.

"Ante, ano po ba ang ginagawa natin dito?" salubong ang kilay na tanong ni Ice sa tiyahin. Nagtataka siya kung bakit kailagan pa nilang sadyain ang Barangay na iyon. Ano ba ang ginagawa nila sa lugr na ito. Alam niyang delikado at istrikto ang naghahari-harian sa lugar na ito kaya nga wala masyadong pumupunta sa naturang lugar. Pero bakit naririto sila? Ano ba ang meron? Ang daming tanong sa isipan niya at ni isang sagot ay wala siyang mahagilap kung bakit nga ba?

The Presidents SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon