CASE # 35: Titig

1.2K 37 2
                                    

Kung pwede lang bumuka ang kinauupuan niya at lamunin na siya ng lupa sa mga oras na ito ay nagpalamon na siya.

Candice Ice Romero

______________

Mahinang katok sa pinto ang dahilan kaya nagising si Ice. Anong oras na nga pala? Anong oras ba silang umuwi kagabi— este kaninang madaling araw ni Kurt? Nilingon niya ang lalaking katabi. Mahimbing pa rin itong natutulog na gaya niya'y napuyat rin sa dinaluhan nilang Bayle kagabi sa plaza.

Iyon ang unang beses ni Kurt na makaranas ng Bayle kaya tuwang-tuwa ito sa kakapanuod sa mga kababaihan ay kalalakihang nagsasayawan sa gitna ng bulwagan.

"Candice, ang lola mo ito," pukaw ng kaniyang abuela sa labas ng pintuan. "May bisita tayo hinahanap ka apo," dugtong pa nito.

Ang kaninang antok na antok na diwa ay biglang nagising sa pagkakabanggit nito ng bisita at siya ang hinahanap.

"Sino daw po?" Tanong niya.

"Ang sabi ay Limuel ang pangalan," sagot ng abuela.

Lalo siyang nanggilalas sa pangalang narinig. Si Leeroy? Anong sadya niya? Bigla siyang kinabahan ng marinig ang pangalan ni Limuel. Walang signal sa lugar nila kaya siguro personal siyang pinuntahan nito.

Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at agad na tinumbok ang sala upang makita ang di inaasahang panauhin. Agad naman niyang nakita ang lalaking nakaupo sa sofa ng sala nila na agad ring lumingon ng marinig ang yapak ng paang pababa ng hagdan.

Nang makita siya nito ay agad itong tumuwid ng tayo at akmang sasaludo ng agad niyang pigilan. Walang may alam na nasa misyon siya. Ang buong akala ng kanyang abuelo at abuela ay nagbabakasyon lang silang mag-asawa dahil bagong kasal sila. Kumbaga, nasa honeymoon stage sila ni Kurt, kaya nahihintakutan siyang makita ng dalawang matanda na nandito si Leeroy dahil sa isang misyon.

"Oh! Lim nadalaw ka?" Nakangiting wika ni Ice, habang pinandidilatan ito ng mga mata. Nais iparating na huwag siyang tatawaging Lieutenant o kahit Ma'am man lang. Upang hindi mahalata ng mga itong magkasama sila sa trabaho.

"H-ha? Ah..." nauutal na wika ni Leeroy. 

Halata sa mukha nito ang pagkalito.

"Ah... O-oo," hindi malaman kung ano ang saaabihin.  "I-ice, may nagsabi kasi na nandito ka daw. Naisip ko baka gabihin ako kapag babyehe pa akong Pagadian. Kaya baka naman kung pwede makitulog muna ako dito sa inyo kahit isang gabi lang. Ngayong gabi lang.... Ice," anito.

Agad namang ngumiti si Ice dahil mabuti't nakuha nito ang nais mensaheng nais niyang ipaabot sa lalaki.

"Aah, gan'on ba? Walang problema Lim. Dito ka na magpalipas ng gabi. Bukas ng umaga'y ipapahatid kita sa mga pinsan ko, may mga kabayo namang masasakyan para hindi ka mahirapan," sakay ni Ice.

Pasimple niyang inakbayan si Leeroy saka marahang inilapit ang mukha sa may bandang tainga ng lalaki at mahinang bumulong. "Wait lang. Hanap lang ako ng paraan pa'no tayo makakasibat," bulong ni Ice. 

Bigla namang nanigas si Leeroy sa kinatatayuan dahil sa ginawa ni Ice. Kay lapit lang ng mukha nito sa mukha niya, kunting galaw ay pwedeng tumama ang labi nito sa kaniyang pisngi. Ang katawan nitong nakadikit ay nagdudulot sa kaniya ng panlalamig. Ang malambot na balat ng dalaga ay nakakapanghina. 

Hindi naman siya dapat makaramdam ng malisya sa pagkakadikit ng katawan nila ng dalaga, ngunit hindi niya kayang pigilan ang sariling damdamin. Alam niyang para kay Ice ay balewala ang nangyayari, ngunit para sa kaniyang nakaka-wala ng tamang katinuan ang pagkakalapit nilang ito. 

The Presidents SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon