CASE # 31 : Bana

1.7K 44 4
                                    

"Gwapo imong bana, Canice. Kaso mabaligya jud na siya d'ri kay wa man siya'y nasabtan. Sige lang man siya'g nganga."

– Tiya Helen
Cagayan De Oro City

____________

MAKALIPAS ang isang oras mahigit ay lumapag na rin sa wakas ang eroplanong sinasakyan nila sa Laguindingan Airport, Cagayan De Oro City. Agad niyang kinapa ang selpon at pinindot ang naka-flight mode uoang bumalik na sa dati. Agad namang may nagsi-pasukan na text, mula sa kaniyang mga kapatid at sa dalawang kasamahan na natira sa bahay ni Kurt.

Hindi niya muna iyon binuksan. Nag-compose siya ng maikling mensahe at ipinadala agad iyon sa numero ng tiyuhin. Nagpapaalam na narito na sila ngayon sa Cagayan De Oro at ligtas na nakalapag.

Nasabihan na nito ang mga kamag-anakan nila sa lugar gabi pa lang bago pa man sila lumipad patungong CDO, kaya alam niyang kanina pa narito ang mga iyon, hinihintay ang kanilang paglabas.

Matapos kunin ang mga bagahe ay agad na silang naglakad ni Kurt, palabas ng airport. I'm home, aniya sa sarili. How she missed this place. Ang lugar kung saan siya lumaki. Mindanao.

"Candice, nandito kami." Sigaw ng isang babae sa may unahan na agad nagpalingon kay Ice.

Agad namang gumuhit ang masayang ngiti sa labi ni Ice, nang mamukhaan ang babaemg sumundo sa kanila. "Aunte," masayang sambit ni Ice at ngali-ngaling tumakbo papalapit sa babae, walang ano-ano'y niyakap niya ito ng mahigpit. She remembered her mom!

"Dalaga naman kaayo ka dai uyy," anito habang nakayakap sa kaniya.

Saglit niyang nakalimutan si Kurt na nasa likuran lamang nila.

"Hala ka aunte, na miss jud kaayo t'ka," mangiyak-iyak niyang sambit.

"Ako pud dai. Na miss kaayo t'ka. Bata pa man ka Candice, adtong milakaw mo'g Mindanao ug nagdesisyon nga sa Manila na lang mopuyo. Unya lantawa ra gud ron oh! Dalaga na kay ka Candice," wika nito sa dialect ng mga taga-Cagay-anon.

Muling niyakap ni Candice, ang kapatid ng kaniyang ina. Tiya Helen, was her mothers sister. Ito ang sumunod kay Tiyo Delfin, ibig sabihin ay pangalawa ito sa magkakapatid. Bunso kasi ang kaniyang mama. Sa lahat ng magkakapatid ay si Tiya Helen, ang kamukhang-kamukha ng kaniyang mama. Kaya mas lalo niyang na miss ang ina, nang makita ang tiyahin.

"Namiss ko bigla si mama," mahina niyang sambit.

"Naa na 'to siya sa maayong kamot, Candice." Nakangiting tugon nito.

Sabay pa silang naglingunan ng biglang tumikhim si Kurt, upang kunin ang atensyon nilang dalawa.

"Ayy... Kani ba siya ang gihisgot ni Manong Delfin, nga imong na bana?" Nagtatanong nitong tingin sa kaniya.

Ang hirap-hirap pala talagang magsinungaling— lalong-lalo na sa mga taong mahal mo. Pero may pagpipilian ba siya?

"Oo aunte. Si K-kurt," nauutal niyang wika. Hinila niya ito at mahigpit na hinawakan ang kamay ng lalaki. Kailangan niya ng lakas— este kailangan niyang maging sweet sa lalaki dahil asawa nga niya ito— pansamantagal— este! Pansamantala.

"Hala! Tsada sad ka mupili Inday Candice, kay arangan man ug nawong ang imong bana," anito na ang ibig sabihin ay; Magaling din siyang pumili ng mapapangasawa dahil may ithsura naman napangasawa.

"Haha. Gamay nga butang aunte," natatawa niyang wika. Patawa-tawa lang siya peroanh totoo ay nanginginig na ang buo niyang kalamnan lalo na't hawak-hawak niya ngayon ang kamay ni Kurt.

The Presidents SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon