sakura
kinaumagahan, maaga kaming nagising upang maghanda sa aming vacation. nakapag-impake na kaming lahat kagabi. nagluto si chaeyeon unnie ng almusal at agad kaming kumain. naglinis din kaming lahat pagkatapos para hindi makalat pag umalis kami. after nun, ginawa na namin ang mga morning routines.
pagkatapos namin sa morning routine namin, ay saktong pagdating ng mini bus ng x1. iisang sasakyan lang ang aming dadalhin. si seungwoo naman ang nagd-drive ng mini bus na iyon. sumakay na kaming lahat.
sinearch namin yung resort nila seungyoun. hindi siya ordinaryong pool or resort lang. malaki. madaming facilities, actually beach siya, pero may private pools din naman.
ipinareserve ni seungyoun yung buong venue para sa aming lahat. sabi niya lugi daw pero andami palang customers doon tsk.
umupo ako sa tabi ni minjoo, katabi niya kuya niya eh. hindi kami masyadong nagpansinan ni wooseok sa buong byahe. ewan ko kung bad mood ba siya ngayon, or parehas kaming naa-awkwardan sa isa't isa. pero anyways, spongebob ko pa rin yan uwu.
around 5:30pm na nang makarating kami sa resort. and all i can say is wow! sobrang laki sa personal, ang ganda. isama mo pa yung view, sunset na.
"nagpaready na ako ng pagkain. after natin kumain dito tayong lahat sa dagat, bonfire session tayo." sabi ni seungyoun. umagree naman ang lahat.
—
after naming kumain, nagtipon-tipon kaming lahat sa buhanginan. nakaready na kasi yung bonfire kanina, tapos may mga mallows at konting alcohol samin ngayon. legal na din naman kami, maliban sa maknae line jusq.
"panget ang bonfire session kung walang laro." bored na sabi ni yena.
"tara truth or dare!" suggest ni yohan. um-oo kami sakanya. since may bonfire sa gitna, hindi kami makakapagpaikot ng bote. kaya ang ginawa namin, kumuha kami ng large bowl at nilagay namin ang pangalan.
since si seungyoun ang nakaisip nun dahil masyado siyang matalino lol, siya na ang bumunot. kung sino ang mabubunot niya ay tatanungin niya. tapos yung nabunot naman ang susunod na magtatanong sa mabubunot din niya, basta ganon! tapos if hindi magawa yung dare o masagot yung truth, iinom ng alak.
bumunot na si youn, at putangina.
ako lang naman ang nauna :D
"truth or dare?" tanong nito. since tinatamad ako tumayo at kumilos, truth ang pinili ko.
"anong gagawin mo kung hindi ka man magustuhan ni wooseok." putangina pt. 2 HAHAHHAHA andami daming tanong ganon pa amp. pero ano nga bang gagawin ko?
"edi wala, kung hindi man niya ako magustuhan, wala naman ako sa posisyon para pilitin siya eh. simula pa lang naman, alam ko nang hindi mangyayari yun kaya kung ganon man, edi ako na mismo yung bibitaw." sabi ko.
ewan ko ba, andami kong gustong sabihin pero yan lang yung mga salitang lumabas sa bibig ko.
next na akong bumunot, ang nabunot ko naman ay si eunbi. truth ang pinili nito.
"bat naiilang ka kay seungwoo?" tanong ko kay eunbi. pansin ko kasi! sa gc parang ang close nila. pero pag sa personal, halata mong naiilang sila sa isa't isa! ewan ko kung ano meron sa dalawang to pero i feel something fishy.
medj spoiler.
"ewan, naawkwardan kami sa isa't isa ata." dahil hindi naconvince ako nacpnvince sa sagot ni eunbi ay pinainom ko ito, isang baso ng alak. yan yung punishment eh HAHAHA
sumunod na bumunot si eunbi at si wooseok ang nabunot nito. tumingin ako kay wooseok habang nakangiti, wala eh bebe q yan uwu. pinapili siya pero nagbikit balikat lang ito, bilang penalty sakanya ay gagawin niya both.
"may nagugustuhan ka ba sa mga kaibigan ko? oo o wala? pagkatapos ay puntahan mo at yakapin sa likod." nawala ang ngiti ko nang sabihin yun ni eunbi. depungal to, alam naman niyang crush ko si wooseok tapos ganon dare niya?!
"oo, meron." hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sagot niya. putel feeling ko maiaapply ko yung sinabi ko kanina. hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan ko ang gusto niya, siyempre i will never assume na ako yun kaya i'm out of the choices.
inutusan niya kaming pumikit, kahit iutos niya yun, gagawin ko talaga. di ko makakayanan na makita siyang yumakap sa iba at kaibigan ko pa. tae ka wooseok si seungyoun nalang yakapin mo huhu.
nagkaroon ng katahimikan at sa hindi inaasahan,
naramdaman ko ang kanyang bisig na bumalot sa akin mula sa likuran.
YOU ARE READING
𝙎𝙋𝙊𝙉𝙂𝙀𝘽𝙊𝘽
Short Story🖱 x1 & izone ff. ⌫ ⌇ 🗒kim wooseok ' miyawaki sakura ❝para kang si spongebob, laging masaya! ❞ 🍶• - in which sakura has a crush on kim wooseok, the school heartthrob, who's always smiley and happy like spongebob. X*ZONE SERIES #2