sakura
may lagnat pa ako pero napilitan akong pumasok, putangina naman kasi may sakit ako simula kahapon. tapos nung nalaman ko yung news, napapasok ako bigla. malay ko ba kung ano meron kay somi the girl na yun?
i don't know her personally, just her name. pero may feeling ako sakanya na di ko mapaliwanag. something's off.
hindi alam ni wooseok na may lagnat ako. ang sinabi ko lang kahapon, late na ako nagising.
pagkapasok ko sa room, uupo na sana ako pero napahinto ako ng iba na ang nakaupo doon. si somi.
at ang panget pa doon, katabi niya ang bebe ko. putangina sino may gawa nito?
"sakura, sa likod ka na ni yena uupo. diyan na kasi si somi sa upuan mo para maalalayan ni wooseok. humingi kasi siya ng favor kay—" umupo ako sa upuan ko at hindi siya pinatapos.
"okay na, di mo na kailangang magpaliwanag." kalmado kong sabi. pero ewan, naiinis ako. hindi ko dapat to nararamdaman kasi ako ang girlfriend niya, pero ewan, may naf-feel talaga akong kakaiba.
tinignan ako ng wooseok at nginitian, nginitian ko siya pabalik. gwapo talaga ng bebe q. akmang lalapit siya saakin pero pinigilan siya ni somi. nawala ang aking ngiti. pampam amputa.
"pwede mo ba akong samahan sa canteen, i'm hungry." tinignan ako ni wooseok, like he's asking me if i am okay with it. since wala naman akong magagawa, i just nodded at him.
putek, nakalimutan ko din pala mag breakfast, aligagang aligaga kasi ako kanina. di ako makapag isip ng maayos.
ayoko namang pumunta sa canteen kasi masama ang pakiramdam ko gawa ng may lagnat pa ako, tapos ayokong kasama ng somi na yun ang spongebob ko potnam.
binato ko si yena ng crumpled paper, tumingin naman ito sakin.
"may pagkain ka?" tanong ko. inirapan ako nito. aba attitude siya sis, dejoke. ganyan talaga kami sa isa't isa. we're named tom and jerry of the group for a reason.
"sakin ka nagtatanong? ayun si hyewon, human refrigerator." sagot niya.
"ihingi mo ako." utos ko, ewan feeling ko nanghihina ako.
"kaya mo na ya--"
"may lagnat ako sis." pagkasabi ko nun, agad siyang tumayo at lumapit sakin. hinipo-hipo niya pa ako. nagulat ako ng pitikin niya ang aking noo. puta ansakit.
"gaga ka! may sakit ka pala pumasok ka pa! di mo pa sinabi." pumunta siya kay hyewon at nagtanong kung may pagkain ito, binigyan niya ito ng isang pack ng biscuit, iniabot sakin ni yena.
"gusto mo bang tawagin ko si wooseok?" tanong nito. umiling nalang ako, ayoko siyang maabala. officer siya at tungkulin niya yun, ayaw kong maparusahan siya ng admin dahil hindi niya ginawa ang task bilang isang officer.
nagpaalam ako kay yena na pupunta ng clinic. nahihilo na talaga ako. nagpresinta siyang sumama pero humindi na ako. nakita ko kasi yung table niya, gumagawa ng assignment para sa first subject tch.
habang naglalakad papuntang clinic, naaninag ko silang dalawa. pero tuluyan na akong nanghina, nanlabo ang aking mga mata at nawalan na ng malay.

YOU ARE READING
𝙎𝙋𝙊𝙉𝙂𝙀𝘽𝙊𝘽
Short Story🖱 x1 & izone ff. ⌫ ⌇ 🗒kim wooseok ' miyawaki sakura ❝para kang si spongebob, laging masaya! ❞ 🍶• - in which sakura has a crush on kim wooseok, the school heartthrob, who's always smiley and happy like spongebob. X*ZONE SERIES #2