053

154 4 0
                                    

sakura



"hoy sakura, pinapatawag ka nang dean sa office!" tumayo ako sa aking upuan nang marinig ko ang sinabi ng aking kaklase. pagkalabas ng room, pinagtitinginan ako ng mga estudyante. napayuko nalang ako, puta naman oh.

sanay akong pinagtitinginan, dati pa. pero iba na ngayon. dati tinitignan nila ako dahil namamangha sila sakin, pero ngayon punong-puno na sila ng pandidiri saakin.

hindi ko alam kung sino ang nagpakalat nun, at kung paano yun na-edit. edit siyempre, dahil una sa lahat, wala akong ganon na picture. malinis akong tao, hindi ako prosti o anong binibintang nila sakin.

natapakan ang dignidad ko.

pagkapasok ko ng office, umupo ako sa upuan katapat ng dean. matamang tinignan ako ng dean.

"i know you are aware about sa issue mo sa school na to, right?" napatango ako. issue na wala naman akong kinalaman at kasalanan.

"dahil sa issue mo na yun, nasira ang reputasyon mo at nadamay na din ang pangalan ng aming unibersidad."

"sorry to say pero i have to expell you from this school." nagulat ako sa sinabi ng dean kasabay ang pagtulo ng luha ko.

"ma'am bakit ganon? hindi pwedeng mawala ang pag-aaral ko!" sagot ko. sobrang bilis ng tibok ng puso ko. ano nalang ang mararamdaman nila mama at papa once na malaman nila to?

"i know, pero napagdesisyunan na to ng cooperatives ng school. i'm sorry to say pero kailangan mo nang umalis."

"Ma'am! Issue lang yun! Hindi talaga ako yun! Edit lang yun! Please wag naman pong ganito." pagmamakaawa ko. shit, nang dahil sa putanginang picture na yun, nasisira ang buhay ko. shit!!!

"walang patunay, malay ba namin kung nagsisinungaling ka lang. don't make me argue with you. sinasabi ko ngayon pa lang, o ako ang kakaladkad sayo palabas." wala na akong nagawa kundi tumakbo papalabas. napahagulgol nalang ako. ang sakit, ang sakit sakit.

dumaan ako sa room at kinuha ang aking bag, narinig kong tinatawag nila ako, pero hindi na ako lumingon pa.

bakit naging ganito? ang miserable ng buhay ko.

anong ginawa ko para matanggap to?

𝙎𝙋𝙊𝙉𝙂𝙀𝘽𝙊𝘽Where stories live. Discover now