056

178 4 0
                                    

sakura


"akin na kasi yan! parang tanga patay gutom!"

"ikaw patay gutom dito! konti lang naman eh!"

"bumili ka nang pagkain mo!"

"madamot ka!"

idinilat ko ang aking mga mata dahil sa kakaibang ingay na naririnig ko, sinalubong ako ng puting paligid mula sa itaas na aking nakikita.


patay na ba ako? nasa langit na ba ako?





"shit gising na siya!" nawala lahat ng aking iniisip nang makarinig ako ng pamilyar na boses. b-buhay pa ako?



"shit ka naman sakura! bakit mo ginawa yun! gago ka, mamamatay na kami dahil sa pag-aalala sayo!" - yena



"oo nga, aatakihin na kami sa puso! akala nga namin mauuna pa kami sayo." - seungwoo.



"hoy ano okay ka lang? bakit mo yun ginawa?" - dongpyo



"nasisiraan ka ba nang bait? bakit ka magpapakamatay?!" - chaewon.



napakurap ako ng ilang beses bago marealize na hindi nga talaga ako patay. nakita ko ang dalawang grupo na alalang-alala saakin. ang mga kaibigan ko.


nang dahil doon, napaiyak nanaman ako. napahagulgol sa harap nila.


"I-I'm sorry guys." yan nalang ang nasabi ko. natahimik sila at niyakap ako.

"I know mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, pero please wag ka bumitaw. andito kami. tutulungan ka namin na linisin ang pangalan mo." sabi ni eunbi unnie. napatango nalang ako.


after ng iyakan session namin, luminga linga ako sa paligid. nagbabakasakaling nandito siya.



"wala siya, nasa dorm. pinagpapahinga namin. dadating din yun." sabi ni hangyul. tumango nalang ulit ako.



sana hindi siya galit.














pansamantala akong iniwan ng aking mga kaibigan para kumain, dapat nga magpapaiwan pa si nako dito dahil wala akong kasama pero gutom na silang lahat kaya sinabi ko nalang na kaya ko na mag-isa.



napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. bumilis ang tibok ng puso ko.



"shit you're awake." tumakbo siya papalapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.



"i was so worried, akala ko mawawala ka na sakin" naramdaman kong nabasa ang aking balikat. is he crying?



"baka mawala talaga ako dahil sa higpit ng yakap mo. di ako makahinga." niluwagan niya ang pagkakayakap saakin at tinignan ako. right, he is crying. mahal na mahal talaga ako nito uwu.




"ikaw naman, bakit mo ginawa yun! sobra akong nag-alala sayo, hindi ko alam ang mangyayari sakin pag nawala ka. baka masiraan ako ng bait."



sinagot ko siya. "napagod ako eh."



"don't worry, alam ko na kung sino ang may gawa nito, all i need is an evidence." sabi niya kaya napunta lahat ng atensyon ko sakanya. kung sino man yun, sana pagbayaran niya to.




"sino?"






huminga muna siya ng malalim bago magsalita.







"jeon somi."

𝙎𝙋𝙊𝙉𝙂𝙀𝘽𝙊𝘽Where stories live. Discover now