"Tara na guys baka mawalan pa tayo ng upuan" dagdag ni Santa sa mga kasamahan niya na sina Mike, Greden, Denze, Mhara at Cj.
Pupunta kasi ang buong klase nila sa isang field trip sa Baguio para sa isang subject nila.
"Wait lang, mabigat itong dala ko" asik naman ni Mhara.
Nasa school sila at nagpreprepare ang buong klase para sa paglalakbay nila ngayon. Dun kasi ang main venue na pagsakayan nilang lahat at dumating na ang buong klase at nag-uunahan na silang sumakay sa apat na bus na inarkilahan ng eskwela.
"Tulungan na kita diyan" alok ni Mike kay Mhara.
"Sige" sabi naman ni Mhara saka ibinigay kay Mike ang isang bag na dala niya.
Una nang pumasok sa Bus sina Greden at Cj. Sumunod naman ang apat na kasamahan. Nasa panggitna na banda ang upuan nilang anim at magkakatabi lang. Bale dalawang tao ang magkatabi sa isang upuan.
Nasa kaliwang banda sina Santa at Cj. Sa kanan naman ay sina Mike at Mhara at sa likuran naman naman nina Mhara ay sina Greden at Denze.
Limang upuan na lang ang bakante meaning limang estudyante ang hinihintay nila. Maya-maya ay nagsidatingan na sila.
Pinaandar na ang driver ang sasakyan hudyat na tatakbo na ito. Pero biglang nahihilo si Denze. Parang umiikot ang paningin niya kaya pinikit niya ito.
Lumitaw sa kanyang isipan ang isang nakakasindak na pangyayari. Tumatakbo ang bus nila at tinahak ang kahabaan ng Nlex pero biglang nagpreno ang driver. Pagtingin niya sa labas ay kita niya ang mabilis na bus na bumangga sa kanilang sinasakyan. Dumusdos ito at kita niya ang pagtalsik ng mga napuputol na kamay ng mga classmate niya. Nagsisigawan ang lahat. Nakita niya ang pagkaipit ng ulo nina Cj at Santa at lumabas ang kanila utak. Sina Mhara at Mike ay wasak ang mukha dala ang mga nabasag na salamin. Tatayo na sana siya pero biglang natumba ang sinasakyan nila kaya na-out balance ito at bumagsak ang katawan nito at natusok ng isang bakal.
Biglang napamulat si Denze na pawisan at tuliro.
"Are you okay?" Greden asked but she suddenly stand up and get her things.
"Bakit? Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong pa rin ni Greden sa kanya. Alam niya na pati sina Santa at ibang kasamahan niya ay nagtataka rin sa ginagawa niya.
"Lets get out of here" nagpapanic na sigaw niya. Alam niyang guni-guni lang ang nakita nito pero parang totoo. In fact, nanginginig pa siya pag sumusulpot sa isipan niya yun.
"What are you talking about Ms. Reyes?" Tanong ng kanyang guro na kasama nila dun na si Ma'am Lopez.
"I said get out on this bus. May mangyayaring masama" sagot niya.
BINABASA MO ANG
Persepsyon
Mystery / ThrillerPaano kung may kakayahan kang makita ang kasalukuyan? Ano ang gagawin mo? Anim silang magbabarkada pero unti-unti silang namamatay sa di malaman na kadahilanan. Sa kanilang barkada, may isa sa kanila ang kakayahan na makita ang paraan ng pagkamatay...