SIX

61 9 9
                                    

STEPHANIE/TAMMY POV 

 "Promise me. You'll be with me till the end okay?"

"I promise Natnat! Diba nga were going to married soon?"

"Oo naman! 'Tong sing-sing mo sa daliri ang evidence. Take care that ha?"

"I will Natnat."

"I really Love you Tammy"

"Me too Natnat"

Tama nga sila... May mga ala ala na pilit nating inaalala pero hindi natin maalala. At kapag gusto na natin silang kalimutan at hayaan, saka naman sila nagpaparamdam na para bang sinasabing alalahanin natin sila

Ang gulo ng buhay... Sobrang gulo

Minahal ko ba siya? Hindi ko alam

Kilala ko ba siya? Hindi ko alam

Masyado akong nagpadalos dalos.. Ayoko nang maka alala dahil iba ang naaalala ko.. Naalala ko kung paano ako abusuhin ng walang kwenta kong ama. 

Kung paano ako binaboy.. Kung paano ako pinapahirapan noon

Ayoko.. Ayokong alalahanin lahat ng masasakit na ala ala. Dapat silang kalimutan.. Dapat silang ibaon at wag nang alalahanin sa loob ng napakaraming taon

Pero nang makita ko siya na halos magmakaawa na alalahanin ko siya.. Nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya na nasasaktan tuwing sinasabi ko na di ko sila kilala. Nang makita ko ang ngiti sa labi niya nang hayaan kong tawagin niya akong tammy.. Nakaramdam ako ng saya

Parang may kung ano sa akin na gustong balikan lahat ng memorya ko na nagdaan

Kaya pinilit ko.. Kahit masakit.. Kahit alam ko na may ala ala din ako na ayaw ko nang balikan. Sinubukan ko.. Sinubukan ko... Para sa kanya

Pero....Nang madinig ko ang sarili ko na halos magmakaawa na sa ala ala ko habang binababoy ng gago kong ama amahan. Kung paano ako magwala na itigil niya ang ginagawa niya.. Na kung paano ako halos umiyak ng dugo wag lang niya akong galawin... Biglang nagbago ang isip ko

Di ko kaya.. Ayoko... Gusto kong kalimutan nalang.. Baka di ko kayanin.. Baka kung ano magawa ko kapag maalala ko ang buong detalye... 

 Pero nang makita ko siya ngayon.. Punong puno ng dugo ang buong damit niya. Ang nakahandudsay niyang katawan na nagpapa alala sa akin kung paano niya ako itulak kanina sa gilid ng kalsada... Kung paano niya ako sinubukang iligtas.. Kung paano tumulo ang luha sa mata niya habang sinasabi niya kung gaano niya akong kamahal

Biglang nagflashback sa utak ko ang lahat.. Lahat ng pinagsamahan namin.. Lahat ng ala ala na nakalimutan ko

Lahat ng masasayang ala ala na pilit ko wag alalahanin

Lahat ng pangako namin

Ang Pagmamahal ko sa kanya

Dahilan kaya tumulo na ng tumulo ang luha ko. Kasabay ang pagtama sa kanya ng sasakyan, ay ang pagluhod ko sa tabi ng kalsada at ang pagsakit ng ulo ko. Pero di ko iyon ininda 

 "NATNAT!"Pilit niyang itinataas ang kamay niya. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin kasabay ang pagtulo ng luha ko

"Y-you r-remember n-n-now"

Yung sinabi niya... Di maalis sa utak ko

Bakit? Bakit di ko siya inalala? Bakit kinalimutan ko siya?

Bakit mas pinili ko ang sarili ko?!!

Bakit!! Ang tanga tanga ko

Pilit niyang pinapa alala sa akin pero ako ng lumalayo. Pilit niya akong inaalala pero pilit ko siyang binabaon

Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon