Kulog
MAHINA AKONG NAPAMURA.
Shit! Ang tanga naman, Sabina! Bakit ngayon pa?
Halos mapasapo ako sa noo habang sinusubukang buksan ang cellphone kong lowbat na.
Paano ko na matatawagan nito ang kapatid ko!?
Napatalon ako sa gulat nang biglang kumulog na sinundan ng kidlat. I heaved a sigh. Walang tigil ang ulan at stranded ako ngayon sa school. Kung sana kasi hindi na ako tumambay sa library para mantrip kanina! Edi sana nakauwi na ako!
Iginala ko ang paningin ko at nakita ang iilang estudyante na stranded din kagaya ko. Kung sana lang ay nagdala ako ng payong! Napaupo ako sa iritasyon na nadarama. Gusto ko nang lumusong pero ayaw ko namang magkasakit ako, kaunting ambon pa naman nagkakasakit na ako. I can take it but I won't risk it. Maraming quizzes bukas at ayaw kong ma-miss ang lahat ng iyon dahil paniguradong isang quiz na lang ay tuluyang babagsak na ako.
My Dad's gonna kill me!
"Sabina!" I heard a familiar voice calling my name, si Claire iyon kasama ang boyfriend niya.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong niya habang nakakunot ang noo. Umiling ako.
"Hindi pa."
"Bakit?" tanong niya ulit.
"My phone's dead. I can't contact my brother at wala rin akong payong kaya hindi ako makapagcommute," walang ganang sagot ko.
"Aww--ay! I have an umbrella!" nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya.
"Ihahatid kasi ako ni Miko pauwi kaya ipapahiram ko na muna sa'yo ang payong ko," aniya habang binubuksan ang bag niya. Halos mag-thank you ako dahil do'n.
"Ay!" she exclaimed in disappointment.
"Sorry, Sab! Naiwan ko sa upuan ko sa classroom!" she said with an apologetic look plastered on her face.
"Puntahan ko na lang," tugon ko habang nakangiti.
"Sige! Sorry talaga, nakalimutan ko."
"Okay lang. Thank you, Claire! Ingat kayo!" I smiled widely to express my gratitude.
"Sige, sige. Ikaw din! Ingat ka ah? Baka mamaya may gawin ka na namang kabulastugan, nako!"
Humalakhak ako. Umiling si Claire at tumalikod na sa akin para makaalis na sila ni Miko.
Nang tuluyan silang maglaho sa aking paningin, hindi na ako nagatubili pang dumiretso sa classroom namin. Nakalocate ang room ng strand namin sa third building. Ito ang pangalawa sa pinakahuling building at medyo malayo-layo sa entrance ng school. Nanginig ako dahil sa malamig na hangin na tumatama sa aking balat. Wala akong choice kundi takbuhin ang mga parte kung saan walang silong. Hindi pa sementado ang daanan papunta sa building namin kaya habang tumatakbo ako, tumalsik ang putik sa aking binti. Wala na akong nagawa kundi magpatuloy dahil mas lumalakas na ang ulan.
Humakbang ako ng malaki at sa kasamaang palad, nakaapak ako ng tae. Fuck!
"Leche naman!" reklamo ko kahit walang makakarinig at nagmamadali nang dumiretso sa entrance ng building namin.
"Ang baho!" I crinkled my nose at nakangiwing tumingin sa black shoes ko. Pumunta ako sa gilid at ipinahid iyon sa lupa. Dahil sa ulan, mamasa-masa pa 'yong tae. Kadiri talaga! Sa sobrang laki ng tae ay hindi ko ma-identify kung tae ba 'to ng aso o ng tao. Halos maduwal ako sa naiisip.
Kadiri!
Naiinis akong pumasok sa loob ng building namin. I was welcomed by the dark and creepy atmosphere.
BINABASA MO ANG
Her Gay Lover
Teen Fiction"What's your ideal man?" Common question that a Sabina Celestine Fauntagio would simply answer in three words, "Tall, dark and handsome". But she didn't know her answers would immediately change when that stupid incident happened. In a snap, her thr...