Chapter 24

2.6K 153 54
                                    

Modern Harana

Nakatitig si Priam sa kawalan matapos kong magsalita. I took that opportunity to leave. Mabilis akong humakbang, hindi lumilingon, desidido nang lumayo.

Matapos ng pag-uusap namin, parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Halos iuntog ko pa ang ulo sa dining table.

"We're eating, Ate. Stop that," Samuel said. I rolled my eyes at umayos na ng upo.

"Kung nandito si Daddy baka napagalitan ka na."

Of course, I'm not going to do that when Daddy's here. Hindi lang niya ako papagalitan. Panigurado 'yon.

"By the way, anong pinag-usapan niyo no'ng kambal ni Priam?" napatingin ako sa kapatid ko.

"Speaking of that guy, close kayo?" My brother is very aloof and has high walls surrounding him, tapos nahingan siya ng pabor ni Primo, it's a big thing.

Ngumisi ang kapatid ko na minsan lang mangyari sa loob ng isang taon.

"Nope, it just happen that he promised to give me a hard baseball with Mr. Toshi's signature in it," binagsak ko ang kutsara ko.

"What?!"

"Sabina, manners!" sigaw ni Mama mula sa kusina.

My brother looked at me proudly.

"Now, I feel envious," I sighed. Mas lalong nadown dahil sa sinabi ng kapatid.

"You're his friend, you can just ask him."

Right, I can just ask him!

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil doon ngunit naalalang kapatid nga pala siya ng taong dapat kong layuan. Muling bumigat ang pakiramdam ko.

This is just so stupid. I'm feeling helpless and hopeless.

The next day, I was very cautious with my surroundings. Ilang beses ko siyang binalak layuan dati pero ngayon desidido na ako.

That morning, Claire didn't bombarded me like she does everytime. It feels like she knows that something is going on. Naramdaman ko ang ilang beses niyang pagbubukas ng usapan tungkol sa bagay na 'yon pero hindi siya nakakuha ng tempo dahil sa dami ng ginawa namin sa school.

It's almost August at malapit na ang Midterms exams for first semester, kaya naman nagsisimula nang magpaulan ng mga performance tasks at activities ang mga teachers.

I stretched my arms when our teacher for the final subject left the room.

Bumuga ako ng hangin. I didn't saw him today, I should be thankful for that but why does it feel like the other way?

Parang nanlulumo ako.

I shook my head and erased some stupid thoughts.

Focus, Sabina. Remember how he betrayed you. And remember what Primo told you.

Tinignan ko ang notes sa cellphone ko. Right, I should just focus on my requirements, nang sa gano'n matuwa naman ang pamilya ko sa'kin.

"Uuwi na ako, Claire," paalam ko sa kaibigan pagkatapos magligpit ng gamit.

"Sige, dito muna ako." Kumunot ang noo ko.

"Susunduin ka ni Rico?" Tumango siya, tumango na rin ako at lumabas na ng room.

I was already walking on the hallway when our family driver texted me. Alas-sais pa raw niya ako masusundo.

Dapat pala sinamahan ko na muna si Claire. Binalik ko ang tingin sa building namin.

Her Gay LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon