No
"ANO BA 'YAN! CLOSER!" inis na sabi ni Cassie habang napapakamot sa kaniyang ulo. Siya 'yong malditang babae kanina.
Umirap ako at ngumiwi.
"Ang lapit na kaya namin, kulang pa ba 'to?"
Eksaheradang umirap si Cassie.
"Ayusin mo na kasi, Sab. Anong oras na para makauwi na tayo," tignan mo 'tong President namin, hindi man lang ako kampihan!
Bumaling ako kay Priam na nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin.
Isa pa 'tong baklang 'to! Masyadong sinasamantala ang pagiging super lapit namin! Paano ba naman, bawat mali ko kinukurot ako! Hindi man lang siya sinusuway ng mga kasama namin. Sinusulsulan pa nila. Tama lang daw na kurutin ako dahil napakaarte ko!
Edi maghanap sila ng bago! Bakit pa kasi ako?!
"Kasi ikaw lang ang hindi mahinhin sa mga babae, mukha kang mabubuntis agad!'
'Yan ang sagot ng walang hiyang bakla nang sinubukan kong magback out kanina!
Ang sarap bumawi pero peste! Pinagtutulungan nila ako!
"Diring-diri ka sa'kin, teh! Hawakan mo ng maayos braso ko!" utos ng hinayupak na Priam Kurt!
I swear, pagkatapos nito. Gaganti ako!
"Ano?! Ganito ba?!" hinigpitan ko ang hawak ko sa braso niya.
I gulped. Ang l-laki.
"Aray, hindi ganyan! Alam mo, ikaw, bitch ka!"
Mas bitch ka, leche!
Bumuga ako ng hangin.
Hingang-malalim, Sabina. Matatapos din ang paghihirap mo!
'Oh, talaga ba, Sab? Natutuwa ka nga sa paghaplos-haplos sa muscles ng baklang 'yan!'
Niyugyog ko ang ulo ko baka sakaling maalog ang punyetang utak na 'to.
Focus, Sab!
Nakahinga ako ng maluwag nang mag-wrap up na kami. Halos kalahati ng play ang nipractice namin. Sabi sa amin ay okay lang kahit hindi memorized ang script. Dahil ang mahalaga, alam namin ang flow.
"Bukas ulit ha. Dismissal!"
Hindi na ako sumagot at inabot na lang ang tubig na binigay sa akin ni Kevin.
Nahagilap ko ang matalim na tingin sa akin ni Priam. Tinaasan ko siya ng kilay.
Oh, problema mo?
Napairap ako pero oo nga naman, hindi magpapatalo ang bakla! Umirap din siya!
Sa sobrang inis ko sa mga pinaggagawa niya sa akin kanina at these past few days, may naisip akong kabaliwan. I just confirmed something a while ago. Lalo na sa mga reaksyon nita, paniguradong hindi ako nagkakamali.
Ngumisi ako sa kaniya.
I grabbed Kevin's arm. I cling to it at sumandal sa kaniya. Laglag pangang tumingin sa akin si Kevin. Nginitian ko siya.
"Uwi na tayo?" I said sweetly.
Nakaawang pa rin ang labi ni Kevin. He nodded his head slowly. I chuckled and looked at Priam. Kung kanina'y naiinis lang siya, ngayon ay galit na galit na. I smirked at him.
Now, this is what you call revenge.
Kinabukasan, masaya akong pumunta sa practice. Naroon na silang lahat. Napatingin tuloy ako sa wrist watch ko baka kasi late na ako. But luckily, nakarating ako sa tamang oras lang.
BINABASA MO ANG
Her Gay Lover
Novela Juvenil"What's your ideal man?" Common question that a Sabina Celestine Fauntagio would simply answer in three words, "Tall, dark and handsome". But she didn't know her answers would immediately change when that stupid incident happened. In a snap, her thr...