Wasak
NAPASINGHAP ANG MGA TAO DAHIL SA GINAWA KO.
"It's been a year, Sabina. I came here for one reason..." I stared at her.
"Leave, or do you want to get involved with your best friend again?"
Nalito ako sa sinabi niya ngunit hindi ko iyon ipinahalata.
"Of course, I want to. You know, I miss you so bad, I miss my best friend so bad," I replied with sarcasm. Lumapit siya sa akin nang dahan-dahan.
"Sabina, you're a reckless bitch who know nothing. Be careful," bulong niya sa akin at muling tumitig sa aking mata. Kumuyom ang kamao ko.
"Layuan mo siya," she said coldly and left me dumfounded.
Layuan? Sinong lalayuan ko?
"Sabina, ano na naman 'yan," utas ni Claire na nakapagpabalik sa aking atensiyon.
"Nagparamdam ulit ang best friend mo, mukhang may binabalak," I stared at Claire.
"Involved with her personal issues again, Sabina?" seryosong utas ni Claire. Umiling siya, tila disappointed.
"Wala akong alam."
"Eh sino 'yang sinasabi niyang lalayuan mo?" Claire asked again. Umiling ako.
"Kilala mo si Mitch, she's a total freak. Hindi mo na dapat pinatulan."
I breathed. She's right. Hindi ko na dapat pinatulan. Parang gusto kong sapukin ang aking ulo, bakit ko ba kasi pinatulan?!
Hindi mo man lang maibaba pride at ego mo, Sab.
"Paano kung lumala at maulit gaya ng dati, Sab?"
Bumuga ako ng hangin nang bigla akong hinapit ni Kevin palapit sa kaniya para sa isang yakap.
"I'm here to protect you, Sab."
Malakas ko siyang tinulak palayo para makawala sa bisig niya. Magsasalita pa sana ako nang magring na ang bell kaya kinailangan na naming bumalik sa klase. Pinauna ko na sila dahil aayusin ko pa ang aking sarili. Sobrang lagkit sa pakiramdam ng natapong juice sa akin, kainis!
The next morning came at buong magdamag akong binulabog ng mga salita ni Mitch. I have no idea kung anong ibig niyang sabihin.
Sino naman ang lalayuan ko?
Napailing na lang ako.
Mitch is my best friend from elementary up to junior high. No'ng grade 10 ay nagkaroon kami ng matinding alitan. She envies me a lot and accused me for stealing her boyfriend even though I didn't.
Dahil malandi lang talaga ang boyfriend niya.
Ang pangyayaring iyon ang naging dahilan para magtanim siya ng sama ng loob sa akin. Gumawa siya ng mga kahibangang hindi ko inaasahan. Una ay finrame up niya ako sa isang scandal.
Malapit na ang graduation day no'n nang napagbintangan akong nagbayad ng mga estudyante para gumawa ng scandal.
Pangalawa, she accused me of hiring someone para gahasain siya.
At pangatlo, ako ang pinagbintangan niyang tinulak siya sa hagdanan kahit na ang totoo ay nagpahulog lang siya.
Gusto kong magalit at gumanti sa kaniya no'n pero nalaman naming she was diagnosed with a mental disorder. At 'yon ang naging dahilan para matrigger siyang gumawa ng hindi tama.
She's a total freak.
Mahigit isang taon din siyang nawala para magpagaling. And now she's back. She's still in Grade 11 dahil nahuli siya ng isang taon sa amin. Nang bumalik siya ay hindi na nagtagpo ang landas namin and I hoped na she's completely okay not until yesterday came. Napailing ako sa aking sarili dahil sa pagkadismaya.
BINABASA MO ANG
Her Gay Lover
Teen Fiction"What's your ideal man?" Common question that a Sabina Celestine Fauntagio would simply answer in three words, "Tall, dark and handsome". But she didn't know her answers would immediately change when that stupid incident happened. In a snap, her thr...