Chapter 28

1.5K 70 44
                                    

Tama na.

Nakayuko ako habang pinupunasan ang luha kahit wala naman nang natira. I am too shy to let Priam look at my puffy eyes and cheek. Nakita kong hinila niya ang sleeves niya at tinapat sa'kin.

"Singhot," utos niya. Tinignan ko siya nang masama. Hindi rin nagpatalo ang loko at matalim din akong tinignan.

"Huwag ka nang mag-inarte, ako mismo sisinghot diyan."

"Sige nga," hamon ko.

He looked at me closely. Umiwas ako ng tingin, hindi kinakaya ang tensyong dala ng titig niya. We stayed that way for a moment. I badly want to take a distance because his aura suffocates me but at the same time it makes me feel warm.

Ilang segundo pa ang lumipas nang bumuntong-hininga siya.

"Uwi na tayo?" he calmly asked. Hindi na lang ako sumagot at medyo lumayo sa kaniya. Nauna akong maglakad ngunit napatigil ako nang marinig ang sigaw ni Kevin.

"Sab, kailangan mong sumama sa akin."

Nagkatinginan kami ni Priam, tinitimbang ang titig ng isa't isa. Then he sighed and turned his back on me.

"Balik na ako sa court."

I don't know but I felt a slight pang in my chest as I watch him walk away.

"Sab," tawag muli ni Kevin sa akin.

"Gising na raw si Claire, puntahan na natin." I silently nodded and heaved a sigh.

Bago dumiretso sa ospital, nagdesisyon kami ni Kev na dumaan muna sa mall para bumili ng pagkain para kay Claire. Siya lahat ang nag-asikaso ng mga pinamili namin dahil ang utak ko ay abala sa paglipad.

I can't stop thinking about what happened earlier. Priam's gaze, his warmth, his aura, I can't get enough of it. Pero sa tuwing naaalala ko rin kung paano siya maging clingy at touchy sa iba, bumibigat ang dibdib ko.

Dala ang mga pinamili, sinalubong kami ni Claire na malaki ang ngiti sa mga labi.

"Ang tagal niyo naman, buong mall ba binili niyo?" she asked cheerfully. Nagkatinginan kami ni Kevin. Nilapag ko ang mga pinamili namin sa table ni Claire.

"Tahimik niyo naman."

Hindi ako sumagot dahil hindi alam ang sasabihin. Bumuntong-hininga si Kevin at piniling magsalita para sa aming dalawa.

"Pagod lang sa school, ang dami naming ginawang activities. Ang dami mong hahabulin, Claire!" Tumawa si Claire.

"Basic lang 'yan, nandyan naman si Sab, tutor ko." Napaismid ako.

"Oh bakit?! Ikaw masipag sa ating dalawa 'di ba?"

"Hay nako, Claire. Huwag mo kausapin 'yan, wala 'yan sa tamang huwisyo ngayon."

"Ah, LQ ba kayo ni Papa P?"

Hindi ako sumagot at nilabas ang mga prutas sa paper bag. Umupo ako sa gilid ni Claire at binalatan iyon para sa kaniya.

" Gaga ka kasi, Sab. Baka naman ikaw pala may kasalanan-"

"Ikaw, Claire bakit hindi mo sinabi sa amin nang buo ginagawa sa'yo ni Rico?" biglang buga ko na nakapagpawi ng ngiti ni Claire. Matalim akong tinignan ni Kevin, umiling ako.

"Ayaw ka naming tanungin, ayaw na naming ungkatin pero Claire naman, kaibigan mo kami, bakit hindi ka man lang nagsabi nang maayos?"

"Kapag sinabi ko ba may mangyayari?" nag-iwas siya ng tingin.

"Oo, meron. Maraming pwedeng mangyari, Claire. Hindi ka sana nasa hospital ngayon, hindi ka sana nakunan-"

"Edi sorry. Sorry kasi mahina ako! Sorry kasi wala akong lakas ng loob magsabi. Kasalanan ko na, oo na ako na." Claire shouted with pure sarcasm. I scoffed.

Her Gay LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon