Chapter 2

4.5K 141 4
                                    

CHAPTER 02

|FAWN HUNTER's POV|

"Here's my atm card, use this to buy your things." Ani mom tsaka inabot kay North 'yong Atm card niya.

"Okay ate." Sagot nito tsaka sa akin tumingin.

"Mauna ka na sa sasakyan, mag-c-cr lang ako." Aniya kaya tinalikuran ko na siya tsaka naunang lumabas ng mansion namin.

Naupo ako sa driver seat tsaka sinimulan buhayin ang makina habang hinihintay si North at hindi rin naman nagtagal ay lumabas na rin ito.

"Let's go," Aniya matapos umupo sa passenger seat kaya napaismid nalang ako bago paandarin ang sasakyan namin.

Tahimik lang kami pareho habang nasa b'yahe since nakakasawa rin na makipag-bangayan sa uod na 'to.

"I want you to stay away from Dawn." Sambit ko matapos maalala ang dahilan ng pagkairita ko sa kan'ya.

He's too flirty to my twin.

Kumunot naman ang kan'yang noo tsaka ako nilingon.

"Why would i?"

"Because Dawn is your niece, ASSHOLE. So, FUCK OFF and STOP FLIRTING WITH HER." Seryoso at mariin kong sambit at sumeryoso rin naman siya.

"I know that, But i don't care. I like her and no one can stop my heart from liking her." Sagot niya kaya napasinghal ako.

T-this guy!

"Siraulo ka ba?" Naiusal ko nalang

"Siguro nga, Oo." sagot niya kaya napailing nalang ako at hindi na umimik pa.

Saan ba pinaglihi ni lola Yukari ang uod na 'to?

Minutes has passed at kaunti nalang ay makakarating na kami sa mall kaya naman bahagya kong nilingon si North na busy sa paglalaro sa kan'yang cellphone.

"Nasaan na 'yong Atm? Ako na ang maghahawak." Sabi ko.

"Wait." Aniya tsaka huminto sa paglalaro at kinapa-kapa ang bulsa ng jacket at pantalon niya.

"Shit!" Bigla niyang mura kaya kumunot ang noo ko.

"Why?"

"Naiwan ko sa cr 'yong atm." Napasampal nalang ako sa noo dahil sa sinabi niya.

Seriously?! Bakit ba kasi kailangan pang ito ang makasama ko?

"You are really an IDIOT, aren't you?" Sambit ko matapos ihinto ang sasakyan habang hinihilot ang sentido ko.

Madalas talaga ay hindi ginagamit ng uod na 'to ang napakaliit niyang utak. Ang liit na nga lang ay tinitipid niya pa.

Pakiramdam ko tuloy ay maaga akong mamamatay 'pag siya ang kasama ko.

He never act nang naaayon sa edad niya. For Pete's sake! He's my uncle and 2 years older than me but look how he acted like a fucking little kid.

"Anong sabi mo?!" Asik niya at imbis na sumagot ay umiling nalang ako dahil paniguradong away na naman kung papatulan ko pa siya.

Ako na ang mag-a-adjust dahil nauubos na ang enerhiya ko maisip palang ang kapalpakan niya.

"Samahan mo ako sa banko." Sambit ko nalang tsaka muling pinaandar ang sasakyan namin.

"Anong gagawin natin doon?" Salubong ang kilay niyang tanong.

"Mang-ho-holdap siguro." Sarkastiko kong sagot sa napakawalang k'wenta niyang tanong.

"I'm asking you properly, ASSHOLE!" Asik niya habang masama ang tingin sa akin kaya napairap nalang ako.

Tsk!

Her Codename Is SATAN (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon