Chapter:6

1.3K 69 2
                                    

CHAPTER 06:

|ZIOR POV|

Kanina pa ako palinga-linga sa paligid dahil kanina pa rin ako hinahabol ng mga kaklase ko na ginawan ko ng assignment.

Kasalanan ko ba kung mali pala 'yong mga sagot ko roon? Lahat tuloy kami ay napatayo buong klase sa likuran.

Nakahinga ako nang maluwag tsaka sumandal sa pader na pinagtataguan ko nang hindi ko na sila makita pa.

Siguro ay napagod na rin sila kakahabol sa akin. Mabuti naman dahil pagod na rin akong tumakbo.

Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko pero agad din napakaripas ng takbo matapos muling marinig ang mga boses nila.

"Nandito siya!" Sigaw nila tsaka ako muling hinabol.

Waahhh! Bakit ba hindi pa rin sila tumitigil?

"Waaahhh! Sorry na, guys! Ibabalik ko nalang 'yong binayad niyo! Huwag niyo na akong habulin!" Sigaw ko habang tumatakbo na parang kabayo.

"Sa tingin mo may halaga pa sa amin 'yan?!"

Napanguso ako. 50 pesos din kaya 'yon. Malaki na rin 'yon ah, lalo na kung wala kang pera.

"Stop running you asshole! Dahil sa'yo ay napahiya kami!" Sigaw ulit nila pero hindi ko sila pinakinggan.

Hindi lang naman ako ang may kasalanan e. Bakit kasi hindi sila 'yong gumawa?

"T-tama 'yong mga sagot ko 'no! Baka si sir 'yong may mali! Nag-imbento lang siguro siya ng ibang sagot kasi ayaw niyang tumama tayo!" Kat'wiran ko pa at napasinghal naman sila.

"Niloloko mo ba kami?!"

"Hind-Aray!" Napaupo nalang ako sa sahig nang may mabunggo akong pader-este tao pala.

Nag-angat ako ng tingin at nagkasalubong naman ang paningin namin ni...DAWN!?

Sobrang cold niyang tumingin! ⊙﹏⊙ pero binaliwala ko iyon matapos muling marinig ang sigawan ng mga humahabol sa akin.

Mabilis akong tumayo at nagtago sa likuran ni Dawn na kumunot naman ang noo dahil sa ginawa ko.

"What do you think are you doing?" Malamig na aniya pero ngumiti lang ako tsaka nagpacute bago inginuso 'yong mga kaklase namin na biglaang napahinto dalawang hakbang ang layo sa amin matapos siyang makita.

"I-ibigay mo sa amin ang lalaking 'yan, kung ayaw mong m-madamay!" Lakas loob na sabi sa kan'ya ng isa sa mga kaklase naming babae pero bakas sa mukha ng mga ito ang takot.

Hehe! Sabi na nga ba at tamang nagtago ako sa likuran ni Dawn eh. Matapos makita ng mga ito ang ginawa niya kayla Steve s'yempre paniguradong matatakot ang mga ito sa kan'ya.

Mabuti nalang at nakita ko siya rito dahil kung hindi ay yari talaga ako sa mga ito. Kaya kalimutan na natin 'yong sinabi ko kanina na dapat ay layuan ko siya dahil ngayon ay siya ang nag-iisa kong pag-asa na magsasalba sa akin mula sa mga goons kong kaklase.

"Huwag mo 'ko sa kanilang ibibigay, please! Paniguradong sasaktan nila ako." Paawa ko tsaka nagpuppy eyes.

"Tsk." Ismid niya naman tsaka inalis ang tingin niya sa akin at ibinaling iyon sa mga kaklase namin dahilan para mapanguso ako.

Hindi ba siya tinatablan ng ka-cutan ko?

"What if I don't want to give him to you? What will you gonna do?" Aniya kaya nginisihan ko 'yong mga kaklase namin at dinilaan pa kaya naman sinamaan nila ako lalo ng tingin.

Haha! Akala niyo ah!

"Isusumbong ka namin sa D-dean!" Utal na sagot naman ng mga ito.

"Is that so?" Saad ni Dawn kaya napangiti ako ng malaki.

Her Codename Is SATAN (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon