CHAPTER 04
|THIRD PERSON's POV|
PEKENG umubo ang guro nila Zior kaya napakurap sila at sa wakas ay nabalik sa realidad.
“Tapos na ang palabas. Sit down and focus in the class.” Litanya nito tsaka tumingin sa grupo nila Steve.
“Kayo, pumunta kayo sa clinic.” Aniya sa mga ito at hindi naman sila tumutol subalit bago tuluyang umalis ay sinamaan pa muna ng tingin ng mga kasamahan ni Steve ang kanilang mga kaklase na napabungisngis dahil sa mga itsura nila.
Akala mo'y pinagtulungan sila ng napakaraming kalaban gayo'ng isang babae lang naman ang nakaharap nila pero hindi sila umubra.
“They deserved it. Buti nga sa kanila at sa wakas ay nakakita na rin sila ng katapat nila.” Sambit ng mga lalaki nilang kaklase na nayayabangan sa grupo nila Steve.
Hindi pa rin sila makapaniwala sa nasaksihan pero ang lupit ng mga moves ni Dawn.
“Btw, ngayon ko lang nakita si Dawn. Shessh! Kahit ang pangalan niya ang ganda. Anyway, bagong kaklase ba natin siya? Ang cool niya ah.” Mangha na sambit pa nila dahil iba ito sa normal na mga babae sa campus nila na nakikita nila araw-araw.
“Sa tingin ko nga ay transferee siya. May boyfriend na kaya siya?”
“Meron man o wala ay 'wag ka ng umasa, bro. Halata naman na hindi siya interesado. Baka gusto mong magaya kayla steve.”
Napangiwi ang mga ito.
“Hindi bale nalang. Wala pala akong pag-asa. Isa pa, medyo nakakatakot din siya e.”
“Kaya nga.”
“Pasikat!” Sambit naman ng ilang kababaihan na naiinis ngayon kay Dawn dahil sinaktan din nito ang kanilang crush na si Steve at nakuha pa nito ang interest ng kanilang iniidolo.
Kahit kasi barumbado ito ay hindi maitatanggi na g'wapo ito kaya marami rin ang nagkakagusto rito.
“Quiet!” Sigaw ng kanilang guro kaya napatahimik sila sa pagbubulungan habang tahimik lang si Zior na nakatulala sa harapan.
Hindi maalis sa isipan niya ang nasaksihan kanina.
Sang-ayon siya sa mga kaklase na lalaki. Ang astig nga ni Dawn kanina.
Napahawak siya sa batok at napangiwi.
Kanino siya nag-aalala kanina?
Bigla siyang nahiya dahil minaliit niya si Dawn dahil akala niya'y mahina ito. Gayo'ng wala palang k'wenta ang pag-aalala niya rito dahil hindi nito kailangan ng tulong. Baka nga siya pa ang mangailangan ng tulong nito kung nagkataon.
Pero sino bang mag-aakala na marunong itong lumaban? Hindi niya naman kasalanan na hindi niya alam. Tsaka magmamagandang loob lang naman siya pero mabuti nalang at hindi niya itinuloy dahil mapapahiya lang pala siya.
Ngumuso siya.
Pero hindi ba talaga natakot ang babaeng 'yon? Tsaka sino ba siya? Mukhang marunong siya ng martial arts at parang sanay na rin siya sa ganitong sitwasyon dahil kung umasta siya kanina ay akala mo hindi na big deal para sa kan'ya ang ganitong pangyayari.
Maraming beses na ba itong napunta sa ganitong sitwasyon?
“Nakukuryos ako...”
Nasampal niya ang pisnge matapos iyong masambit.
Nababaliw na ba siya? Bakit naman gugustuhin niya iyong malaman? Hindi naman sila close at wala naman silang koneksyon sa isa't isa.
Aish!
BINABASA MO ANG
Her Codename Is SATAN (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
Action𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #2 HER CODENAME IS SATAN Isa lamang dapat iyong normal na gabi para sa mga mafia kung hindi lamang biglang sumulpot ang isang misteryosang babae. *** Isang misteryosang babae na may pares ng itim na itim na mata...