Chapters

3.8K 214 126
                                    

5. Chapters

OPINION ONLY.

Sa tingin ko, kung newbie writer ka eh huwag mo munang habaan ang gawa mo. Sakto lang, siguro mga 25 to 35 chapters will do.

Hindi mo naman ilalatag lahat ng armas mo sa laban hindi ba? Syempre, magtitira ka para sa iba pang laban.

Syempre, una mong story iyon eh bakit mahaba agad? Wala ka pang readers at tiyak ko na kapag nakita nila na sobrang haba agad ng sinulat mo eh ma-boboring agad sila.

Ang readers ngayon eh gusto iyong tama lang ang timpla ng mga binabasa nila. Hindi maikli at hindi rin mahaba.

Huwag naman iyong nasa 50 chapters ka na pero wala ka pa sa gitna. The readers will be bored kung paligoy-ligoy na ang istorya.

Tingnan niyo ang Probinsyano, sobrang haba na at boring hindi ba? Iyon ang point ko dito.

Making it too long eh minsan nawawala na iyong sense ng story kung bakit mo ba iyon sinulat? Pwera na lang kung kada chapter ay may twist kang gagawin, may magbabasa talaga niyan.

Kung gusto mo talagang habaan, write a book two or three. Huwag mong ilagay lang sa isang book dahil kapag na-publish na iyan eh mahihirapan kang hatiin.

May word count limit ang publishers at kung 200k ang word count mo, pinaparusahan mo na ang sarili mo noon.

Sa mga nangangarap lang naman magkalibro iyon, pero kung sa wattpad lang naman at wala kang balak i-publish ang gawa mo eh pwede ka kahit 300 chapters. Haha!

Writing Tips And AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon