Genre

3.4K 180 34
                                    

6. Genre

Isa sa mahalagang tanong ito, saang genre ka ba nababagay? Teen Fiction? Mystery? Fantasy o ano?

Pwede namang isa lang o madaming genre ang i-try mo. Ang challenge doon eh kung mapapanindigan mo ba?

Ma-trabaho kasi ang ibang genre at isang maling impormasyon mo lang eh isang libong hate na ang ibabato sayo ng readers.

Tulad ng:

Mystery - Paano pinatay?
                 - Paano ang proseso ng pagpatay?
                  - Paano iso-solve ni author ang kaso?
                  
Fantasy - Ano ang powers ng characters?
                 - Ano ang kaibahan ng powers ng isa sa iba pang characters?
                  - Paano ang research na gagawin mo na hindi na magtatanong ang readers? Bawal kasi ang loopholes.

History Fiction - Paano mo mapapanatili ang fiction pero totoong iyon pa din ang nangyayari sa taong 1800?

Hindi naman pwedeng kapag nagsaliksik sila eh hindi akma doon sa sinulat mo, dapat pulido ang bawat sulok ng kwento kapag kailangan ng maraming research.

Iyon lang naman, para sa akin eh piliin mo lang ang genre na komportable kang isulat at huwag mo nang ituloy kung hindi mo kayang panindigan.

Writing Tips And AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon