CHAPTER 3

19.4K 638 66
                                    

Chapter Three

Someone's Worth


Eros:

He's home. He's okay and you don't have to worry about him.

Iyon ang mensaheng nagbigay sa akin ng gaan sa paghinga kahit na buong gabing umulit sa utak ko ang tagpong 'yon.

Kung paano niya pilit na nilulunod ang sarili sa mga bisyo. Kung paano siya nakipaghalikan sa babaeng 'yon at kung paano niya itaboy ang lahat ng mga kaibigang nagmamalasakit sa kanya. I never thought that I'd witnessed him being his worst. Ni minsan ay hindi dumaan sa utak kong kaya niyang maging asshole triple sa noong tingin ni Karsyn sa kanya sa pangalawa nilang pagkikita.

I've seen the best version of Asher. Iyong Asher na walang katapusan ang saya at mayroong magaang puso pero matapos ko siyang makita kagabi sa ganoong sitwasyon ay hindi ko na maisip na makikita ko pa siya gaya ng nakasanayan ko. I felt like he became a hopeless case, a total wrecked.

"Zydney, kumain ka. Your father and I are worried about you." pukaw ni Mommy kinaumagahan sa harap ng hapag kainan. Muli kasi akong nilulunod ng maraming pag-iisip.

"Sorry..."

"Anak, alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo sa pagkawala ni Karsyn but please, I don't want you to get sick. Tama na ang pagluluksa at tama na ang pag-iisip. Your cousin is in much better place right now and I'm sure that she doesn't want any of us to worry about her anymore." mahabang litanya ni Daddy.

Tama naman siya sa lahat ng mga sinabi pero maling ito lang ang dahilan ng pagkatulala ko. It's way more than that. Akala ko noon, ang pagkamatay ang pinaka-mahirap tanggapin pero mali pala. Ang pinaka-mahirap pala sa lahat ay ang pag-usad na hindi mo alam kung saan sisimulan. I'm a lost sheep, we all are.

"Dad, I'm full."

"Zydney, ang payat payat mo na at hindi magandang kakaunti lang ang kinakain mo. Huwag mo na kaming pag-alalahanin ng Mommy mo Hija, please."

Napalunok ako't tinanggap nalang ang mga pagkaing muli niyang inilagay sa aking plato. Hindi naman sa ayaw kong kumain, sadyang wala lang talaga akong gana. Gano'n talaga siguro kapag nagmo-move on, 'no? Iyon bang para kang may sakit na hindi mo alam ang gamot o kung may lunas pa. It's like something inside you was broken and can't never be fix. It's an awful feeling, it's endless...

Tahimik akong nagpatuloy imbes na mangatwiran pa. Sinunod ko ang lahat ng gusto nila pero nang maalala ko ang mga plano kong pag-alis upang punan ang lahat ng mga ibinilin ni Karsyn ay hindi na ako nagdalawang-isip na magpaalam, o magsinungaling.

"I'll be at Camie's tomorrow. Baka hindi rin po ako makauwi kaya huwag niyo na akong hintayin."

Bumagal ang pag nguya ni Mommy, tinatantiya ang mga sinabi ko. She knows me. Alam niya kung kailan ako nagsisinungaling at hindi pero sa pagkakataong ito ay nanindigan ako. I need to, for Karsyn, for everyone. Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong tungkol kay Camie dahil kung hindi ay madaragdagan pa ang mga pagsisinungaling ko. Camie doesn't exist. It was just my other phone para mai-text ko sila't mapalagay kapag nag-aalala sa akin.

Ang alam nila ay best friend ko ito at anak ng isang fashion designer. It was my escape when things get messy at home at hindi kami pinapayagang umalis ni Karsyn noon. Hindi rin naman mahirap isabuhay si Camie dahil madali nalang gumawa ng bagong tao sa mundo ng social media. It's not that hard to stole someone's photos, create new identity and easily get away with it. I know the rules. I know everything. Hindi naman ako nahirapan dahil noon pa man ay hindi na gusto ng mga magulang kong magdala ako ng kaibigan sa bahay. They hate visitors and that made my lying puzzle complete.

The Bachelor's Vices ( TBS 3  - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon