Chapter Six
Where To Start
They said airports had the most sincere hugs and goodbye's, but I beg to disagree. Because I think the place who beats the record for most profound emotions are hospitals... Because sometimes, it leads to permanent goodbye.
Na sa bawat pagpasok sa kahit na anong kwarto ay kasama na doon ang katotohanan at posibilidad na iyon na ang huling beses niyong makikita ng buhay ang isa't-isa... Just like what happened to Karsyn, I didn't have said goodbye to her properly... Na kung alam ko lang iyon na ang huli, sana ay mas nanatili ako sa tabi niya. Sana mas sinabi ko kung gaano ko siya kailangan nang sa gayon ay mas lumaban siya.
But I know, no matter what I do, it's all in God's hands. That it's the time he called her and she answered it with all her heart.
I find it ironic, really. Akala ko noon ang hospital ang magbibigay sa'yo ng malaking pag-asa para mabuhay. Sa kaso ng pinsan ko, para iyong naging kulungan niya hanggang sa kanyang mga huling sandali. I want to convince that it's all alright but as day pass by, my emotions were just getting heavier and heavier. It gets harder everyday... Ayaw ko lang aminin sa sarili ko.
Dahan-dahan kong hinawi ang kurtina at ang sliding door na nasa aking harapan. A gasp escaped my mouth when my eyes was greeted by an astonishing sunlight that made the ocean spark like diamonds. Walang humpay sa pagkinang ng kulay asul na tubig habang naglalakad ako patungo sa dulo ng balkonahe.
Muli akong napasinghap ng mahawakan ko ang malamig na barandilya. It's the first time that I've been in a place like this since Karsyn left us.
Ang totoo, siya lang naman talaga ang dahilan kaya ako nakakapunta sa mga lugar na ganito. My parents were too strict pero kapag si Karsyn ang kasama ko ay hinahayaan nila ako. Ngayong wala na siya, ramdam ko ulit ang paghihigpit nila at I couldn't do something about it. Ngayon nga lang, alam kong nag-aalala na sila sa akin pero iyong pakiramdam na gusto ko munang makahinga ang mas nananaig sa akin ngayon.
Maybe this is all what I need. An escape from my emotions, from my own grief and from everything.
Napatingala ako sa langit, iniiwasan ang direksiyon ng araw at wala sa sariling napangiti nalang ng mapait.
Did you ever get lost in life that you didn't even realize it until it hits you? That's where I'm at right now. I don't really know where to start. All I know is that I need to move forward even if I don't how. I don't even know if I could do it sa tuwing napapalalim ang pag-iisip ko.
I was distracted by a soft knock on my door. Naputol ang pagtingin ko sa langit at agad na napayuko. Nang masundan pa iyon ay agad ko na akong bumalik sa loob para pagbuksan ang nasa kabilang banda.
I was greeted by a lady wearing a blue uniform. Her smile made my day a little bit better.
"Miss Zydney, pasensiya na po sa istorbo pero pinapatawag na po kayo para sa umagahan."
"Ni Asher?" hindi ko mapigilang lawakan ang ngiti ngunit nang umiling siya ay agad iyong napawi.
"Ni Mr. William Tan, ang Daddy po ni Sir Asher."
That made me swallowed hard.
"W-Where is Asher?" sabi ko habang lumalabas ng kwarto.
Ang isiping makikilala ko ang Daddy ni Asher ay sapat na para magwala ang puso ko pero mas lalo yata akong kinabahan sa pag-iling ng babaeng kasama ko.
"Wala pong may alam. Hindi na po kasi umuuwi rito si Sir Asher," panimula niya. "Simula ng mawala si Miss Karsyn ay hindi na iyon nagpakita rito kaya nga po lahat kami ay nagulat sa pagdating niyo kagabi. Ito ang unang beses na umuwi siya."
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 2 )
RomanceAsher experienced downfall when his first love died. He shut everyone out of his life. He became addicted to all his vices and he chase death just so he could be with her. He hated God and all His ways. Para sa kanya, malupit ang Diyos dahil wala i...