1

612 24 11
                                    

MIKO P.O.V.

"Bro, makikipaghiwalay ka talaga kay Faine na almost 4 years na kayo dahil diyan sa bago mo and to think of that 3 months mo palang nakikilala, sure kana ba bro?" Natatawang sambit ni Josh

"Oo nga bro, alam mo bang katangahan 'yan? Kayo pa ni Faine pero may nilalandi kana pa lang iba? Nako bro, ewan ko talaga sa iyo. Bahala ka nga, ideal girl na iyong tao pero bakit ginago mo lang? Tapos ngayon padalos-dalos ka pa sa paghihiwalay? Bro, mali ka talaga," sabi naman ni Kleo.

"Let him be, hindi natin siya masisisi kahit na ideal girl na si Faine pero naghahanap pa din siya ng iba, pabayaan niyo na 'yan. Payo ko lang sa'yo Miko, gagawin ko lahat para mapasaakin si Faine kasi ayokong nasasaktan na naman siya. Oo, pinagkatiwala ko siya noon sa iyo pero kung 'yan lang din naman yung gagawin mo, huwag ka sanang magsisi sa huli,sinayang mo talaga ang pagmamahal niya. Hangal ka Miko, isipin mo muna ang gagawin mo kasi isa kang dakilang tarantado kapag ngayon mo ginawa. Mahal na mahal ka ng tao," saad ni Andrew at bigla na lamang umalis sa tambayan namin.

Wala akong maisagot sa sinabi niya. Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon nalang ang reaksiyon niya. Mahal parin niya 'yong tao, mahal parin niya ang babaeng mahal na mahal ako.

Oo alam kong noon pa man mahal din ng kaibigan ko si Faine pero ako yung pinili niya. Si Andrew yung unang nagkagusto at nanligaw kay Faine. Sa ilang beses na pangliligaw niya'y hindi siya binigyan ng pagkakataon kasi para kay Faine, hanggang kaibigan lang talaga sila. Hindi ko pa nga nakita si Andrew na umiiyak kahit noong nalaman niya na nagkagusto ako't niligawan ko na ang babaeng mahal niya. Akala ko si Andrew iyong pipiliin sa pagitan naming dalawa dahil siya ang nauna pero ako yung pinili niya. Ngunit dumaan ang mga taon at parang hindi ko na nararamdaman ang kilig, saya at ang pagmamahal na minsan kong naramdaman kay Faine. Hanggang sa may nakilala akong babae, nagkausap kami hanggang sa dumating ang panahon na nagpapalitan na kami ng chats pati pagpapasyal na magkasama. Mukhang mahal ko na 'tong si Carmel kasi kung ano ang una kong naramdaman kay Faine, nararamdaman ko na kay Carmel kaya naisipan kong hiwalayan nalang si Faine, ngayon.

Bigla ko siyang tinawagan at sinabing puntahan niya ako rito sa tambayan namin. Ang lugar kung saan niya ako sinagot.

Ilang oras pa ay nakarating na siya habang nakangiti ng malapad. Makikita mong nagmamadali siyang pumunta rito dahil hingal siya ng hingal. Ilang lingo narin ng hindi kami nagkikita at ngayon, nagpakulay pala siya ng buhok. Yung ngiti niya abot hanggang sa mata.

"Love, sorry kung natagalan ako kasi nagkaroon ng traffic sa daan. So, bakit mo pala ako pinapunta rito?" Sabi niya sa akin habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo't nakangiti.

"Faine, wala ng paligoy-ligoy 'to, I know that you truly cherish this relationship but it's not as smooth just like before and sorry but I'm gonna end this right now. Let's break up Faine," seryosong sabi ko sa kaniya.

Dahil sa mga salitang ito, napaluha ang isang babae na nasa harapan ko ngayon.

"Bakit Miko? Love, ano 'to? Another prank mo na naman? Hindi kana nakakatuwa. Alam ko na love, may surpresa kaba? Love naman, sabi ko sa iyo huwag kana mag-abala. Nasaan na ba iyon, love? Pipikit pa ba ako? Tayo lang ba talaga ngayon? "saad nito sa akin. Hinawakan pa niya ang kamay ko ngunit binitawan niya kaagad at unti-unting pinipikit ang mata niya.

"Seryoso ako, Faine. May iba na ako, 3 months na kaya please let me go. Unang linggo palang simula nang magkita kami ni Carmel, naging kami na. Nagcheat ako, matagal na." Walang emosyong sambit ko.

Nagsilabasan na ang mga luha sa mata nito dahil sa sakit ng nararamdaman niya. Hindi ko naman siya ibig na saktan, gusto ko lang talagang sabihin na ang totoo ngayon kasi dalawang araw simula ngayon, magiging 4 months na relasyon namin. Para maging malaya narin ako habang susurpresahin ko si Carmel, ayoko nang itago pa ang lahat sa pagitan naming dalawa.

Isang malutong na sampal naman ang iginawad ni Faine sa akin.

"How dare you Miko? How dare you na gawin ang panggago na iyan? For the past 3 months, bakit mo ginawa mo sa'kin yun? Kaya pala lagi mong sinasabi mo sakin kapag tinatawagan at tinitext kita na busy ka kasi may kalandian ka ng iba? Miko, I have been working a lot para pag iponan na ang kasalan natin. Kasi ayoko na ikaw lang ang gagastos sa lahat. Akala ko kagaya ito ng mga wattpad stories na nababasa ko na nagpapakabusy ang boyfriend nila, yun ang palaging excuse kasi may balak na silang magproprose. Iba pala ang katotohan. Narealize ko na ngayon na hindi tayo iyong mga bida sa kwento, hindi mo pala pangarap na maikasal ako sa iyo. I expect too much from this relationship although I feel like there is something wrong already, inisip ko talaga na iyon ang reason mo. Inisip ko talaga na sa araw na ito exactly Jan 28, which is 4th anniversary natin ngayon, hihingin mo na permiso ko para pakasalan ako. Iyon ang promise mo sa akin Miko, after 4 years! Wala na ba talagang pag-asa ang relasyon natin? Wala na ba talaga? Kasi kung meron kahit 10% lang, magpapakatanga ako. Magpapakamartyr ako, kakalimutan ko 'to. Love, for the last time, am I not that girl whom you wishes to be with you tomorrow and in the future? Am I not the one?"

"Faine, I am sorry. I don't know that today is our anniversary. I don't kn-"

"No, Miko! Stop it, yung tanong ko ang sagutin mo. Si Carmel na ba?! O ako pa?"

"Let's just talk about this tomorrow or next week. Hindi ko talaga alam na special day natin ngay-"

"Miko! Ano ba? I po-postponed mo pa dahil lang sa sinabi ko na 4th anniversary natin ngayon. Alam ko na lahat ngayon Miko, sinabi mo na ang katotohanan. Winasak mo na puso ko, wawasakin mo pa ng ilang beses dahil gusto mo na pag-usapan uli natin ito sa susunod pa na araw? Tapos ano gagawin natin ngayon, Miko? Pretending to be okay? Pretending to be in love? Pretending to act like there's nothing wrong?! Simpleng tanong lang Miko, tanong para malinawagan naman ako pero bakit parang iniiwasan mo pa? Sagutin mo na, please lang sagutin mo na. Gusto ko lang ng kasiguraduhan sa kasagutan na alam kong iyon naman ang sasabihin mo, gusto kong sa iyo manggaling, please. Please!"

Napakatahimik ng lugar kaya tanging pag-iyak ng isang nakaluhod na si Faine ang naririnig ko habang hinahawakan ako sa kamay. Nasa batuhang parte kami ng tambayan kaya sigurado akong nasugatan siya sa biglaan niyang pagluhod. 

"Tumayo kana, Faine."

"No, sabihin mo muna sa akin. Don't act like wala akong tanong na sobrang hinihintay ko ang sagot, just be honest on answering it, love. Just be." 

Nagsimula na ring umulan. Kagaya ng pag-iyak niya'y malalakas ang tinig ng pagbagkas ng bawat patak na para bang nagpapaligsahan ang mga ito papunta sa ibabaw.

"I love you, Faine. I really do,"

Sa sinabi ko, napaangat siya at napatayo. Binitawan niya ang kamay ko kasabay ng isang ngiti sa labi niya.

"Pero ang pagmamahal na iyan, iba na. Ang pagmamahal mong naramdaman sa akin, napunta na sa kaniya. You love me but you also love her . . . and it's obvious. Miko, please say it more specific. It will tear me apart but I am begging you . . . so much. Do that for me, it's either I love you or I love her. Yun na lang. "

"Faine, . . . I love her,"

"That's it, you say the words that I am expecting to hear. All my dreams for us were just ruined. Everything, Miko. Hahahah, ang galing din ng timing mo noh? Kung kailan pa talaga may celebration...sana. Anyways, I'll respect your decision, Miko. You just became one of those lovers of mine that choose to leave me, then stay. Goodbye,"

Mararamdaman mo talaga yung sakit na naranasan niya dahil may pagka paos na ang tinig nito at lumuluha na siya ng husto. Kinuha niya kaagad yung singsing na ibinigay ko sa kaniya noong 2nd anniv. namin at ibinato niya kung saan at lumayo na sa kinatatayuan ko.

There's a part of me saying na gusto ko siyang takbuhin at paki-usapang bumalik uli sa akin pero I know to myself na parang awa nalang ito. Wala ng pagmamahal na gaya ng dati.

Wala na dahil may iba na ako. 

THAT SHOULD BE ME (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon