Prologue

296 10 5
                                    

(Play the video while reading)

Why does life have to be like this?

Has to be hard..

Has to be painful..

Has to be unfair to me..

Is this life?

Is this really called life?

Masama ba akong tao para maging ganto lahat?

Hindi naman eh..

Hindi naman ako makasalanan..

Hindi naman ako sinungaling.

Okay, nagsisinungaling din ako in some situations pero siguro naman may mas sinungaling pa saken..

Hindi din naman ako magnanakaw.. pero bakit kailangan kunin saken ang bagay na kailangang kailangan ko?

Tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko habang nakaluhod at tinatanong siya.

Wala naman akong margining na sagot.

Kapag kinuha mo na ba ako, tska mo sasagutin ang mga tanong ko?

Tska ako maliliwanagan kung bakit mo ako ginaganito?

Sabi nila binibigyan mo daw kami ng problema para mas lalong tumatag, lumakas.. pero sobra na.. sobra na yung binigay mo saken..

Hindi ko pa ba mapatunayan sayo na malakas ako? na kahit kailan, hindi ko inatrasan lahat ng pagsubok na binabato mo saken?

Oo. Ngayon na ata ako aatras.

       Ngayon na ata ako susuko.

Iniisip ko pa lang ang paglisan ko.. parang gusto ko na itong unahan..

Kung kukunin mo din naman ako, bakit hindi pa ngayon? Bakit hindi pa dito, sa tahanan mo, sa oras na to?

Biglang sumakit ang tyan ko.

Araaaay!!!

Napalunok ako para pigilan ang boses na lalabas sa bibig ko sa sobrang sakit.

Nagmadali akong pumunta sa CR.

Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil pagewang gewang na ako at halos bunguin lahat ng makakasalubong ko.

Nilabas ko lahat at fin-lush ang toilet.

Napaupo ako sa sahig sa sobrang panghihina.

Ito na po ba yun?

Kukunin mo na po ba ako?

Unti-unting nababawasan ang sakit ng tyan ko..

kinaya kong lumabas at tiningnan ang paligid ko.

Buti wala ng tao kundi pagtitinginan ako panigurado.

Nagmumog ako at kinuha ang boteng binigay saken kanina sa bag ko.

30 pills..

30 pills ang susuporta saken para mabuhay pa.

Uminit na naman ang gilid ng mata ko at lumabo ang paningin ko.

30 pills para maiparamdam ang pagiging isang malambing na ate sa kapatid ko..

30 pills para masiguro ang future niya..

30 pills para maging isang mabuting kaibigan..

30 pills para mapasalamatan ang mga taong tumulong..

30 pills para makita pa ang kagandahan sa mundo..

30 pills para umibig..

30 pills para mabuhay..

“Everything happens for a reason..”

Hindi ko pa alam ngayon kung bakit..

bakit ako,

bakit ganto..

Pero alam kong malalaman ko din sa paggamit ko ng huling tableta..

at sa oras na yon,

ihahanda ko ang aking sarili para sa isang matamis na paalam.

~~~

VOTE. COMMENT. BE A FAN. if you think this story deserves one :)

Last Pill [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon