CHAPTER 3

13 2 0
                                    


STRANGER

"Will you calm your tits, bro?" Rehan tissed Yarden and patted Yarden's shoulder.

"How can I even calm down, Rey? Bumagsak ako sa CLE! For pete's sake nabagsak ko yung pinaka-madaling subject!" He frustatedly shouted.

"Bro, alam mo namang hindi madalas nagpapatest si Sir Enano. Kaya sa behavior mo talaga siya nagbabase. Madalas ka rin namang hindi gumagawa ng written work. Madalas na ngang pinagpapatuloy the next day, 'di ka pa rin gumagawa." Gethan explained.

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan si Yarden na hilamusin nang paulit-ulit ang kanyang mukha dahil sa pagkabahala. Napailing ako at tinabihan siya sa sofa, "I'll talk with Sir Enano. I'll ask if mayroon ka bang pwedeng gawin para pumasa ka."

He looked at me, "Marleigh..."

I smiled at him, "It's okay...everything will be okay soon." I assured him and hugged him.

"Babagsak na ako this quarter, Marleigh. Isang year na lang oh, Senior High na tapos bumagsak pa ako sa CLE? Jusko naman! Anong klaseng buhay ba mayroon ako?" Napapadyak pa ito habang nagsasalita.

I softly patted his back, "Intervention? May intervention ba yung CLE?"

"Ang alam ko walang intervention yung CLE kasi ayun na yung pinakamadaling subject eih." Sagot ni Gethan.

"Kahit ano, wala?"

"Ang magandang solusyon diyan, bro, gawin mo lahat ng written works na hindi mo nagawa. May isang long test ka rin na hindi nasagutan. Pati yung peta mo, hindi ka masyadong nag-contribute." Suggestion ni Rehan.

"Ano bang nangyayari sayo, Yarden?" Nag-aalala kong tanong sa kanya at napaiwas naman siya ng tingin.

He shook his head and faked a smile, "Wala..ayos lang ako. May mga problema lang sa bahay pero kaya pa naman."

"Alam mo namang lagi kaming nandito para sayo, diba? You can share your problems with us." I stated.

"Oo nga, bro! We're all ears!" Gethan agreed.

"Lagi akong nandito para sayo, Yarden. Please always remember that." I hugged him once again and softly stroked his hair.

"Ang ating love birds!" Rinig kong kantyaw ni Rehan at sumipol-sipol pa si Gethan.

Umalis ako sa aming yakap at nginitian ulit siya. Mukha siyang pagod. Pagod na pagod.

Marahan kong isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Dahan-dahan kong pinaglaruan ang kanyang buhok.

"Asan sila Avery at Mira?" Tanong ko kila Gethan.

"Nag-pafacial ata yung mga yun. Hindi ako sure ahh. Hindi ba sinabi sayo?" Gethan responded.

Umiling ako nang nagtataka, "Baka nga nag-pafacial lang yun. Alam mo naman sila Mirasol." Tumawa sa huli si Rehan.

Tumango na lang ako at pinagtuunan ng pansin ang buhok ni Yarden. Marahan ko ring minasahe ang kanyang noo at sintido. Napatigil lang ako nang may pumasok sa tambayan namin.

"Marleigh! Gising na hoy!" Napatingin naman ako kay Chelzy habang may hawak itong kawali sa kanyang kanang kamay.

Napasinghal naman ako at dumapa. Tinakpan ko ang aking dalawang tenga at iningudngod ang aking buong mukha sa aking unan.

"Aba't hindi ka gigising diyan ahh?! Bubuhusan kita ng tubig, makita mo!" Banta nito at napabalikwas ako nang may maramdaman akong tubig sa aking likod.

"Puta, Chelzy ahh!" Mura ko rito habang binibigyan siya ng masamang tingin.

Tumawa naman ito at nag-peace sign, "Sorry naman, girl! Ang tagal mo kasing gumising! Yan tuloy, nabasa ka!"

It Doesn't Really MatterWhere stories live. Discover now