THREATBalisa akong lumabas ng room habang patuloy pa ring inaayos ang aking bag. Dali-dali ko namang kinuha ang aking phone sa aking bulsa at tinext si Chelzy.
'May pupuntahan lang ako, 'di na muna tayo sabay umuwi ah'
Agad kong ibinulsa ulit iyon nang masend ko yung text. Napailing ako at lumingon-lingon sa aking paligid.
Kaunti na lang ang tao, malapit ng mag-dilim.
"Shit, puntahan ko pa ba ngayon?" Natutuliro kong ginulo-gulo ang akong buhok at umatras ng lakad. May naapakan pa ata akong paa.
Shit, naka-heels pa naman ako! Masakit siguro yun!
Agad akong yumuko at dahil sa hiya, hindi ko na tinignan pa ang naapakan ko, "Sorry, ho." Sambit ko at binilisan na lang ang paglalakad.
Kanina bago magsimula ang aking klase, binasa ko yung nasa loob ng envelope and to my surprise! Hindi siya letter.
Isa siyang death threat at nakasulat din doon kung saan ang meeting place. Ngayong gabi raw kami pwedeng magkita. Wala ring nakalagay na pangalan at hindi ko alam kung sino ang pagsususpetyahan ko.
Magsisinungaling din ako kung sasabihin kong hindi ako natakot nung nabasa ko ito. First time ko lang makatanggap ng death threat at ngayon pa na hindi na ako nasasali sa gulo.
Hindi ko na inisip pa na isama si Chelzy sa akin. Ayokong mapahamak siya dahil sa akin.
Medyo malayo yung warehouse na magsisilbing meeting place. Pagod pa naman ako sa ginawa naming plate kanina tapos paglalakarin ako ng malayo ng ugok na ito?
Hinanda ko na rin yung number ng pulis kung saka-sakaling may gawin yung nagbigay ng death threat sa akin. Obviously, may gusto itong gawin dahil nga death threat.
Nakasulat ba naman dito ay,
'I will hunt you in your dreams. Meet me in xxxx'
Puta, sa panaginip lang pala eih. Kung wala yung meet me at ano, hindi ko pupuntahan yan. Magkita na lang kami sa panaginip ko, tsk.
Napapahikab akong nagpatuloy sa paglalakad at napansing malapit na ako sa warehouse na nakasulat sa death threat.
Papasok na sana ako kundi lang nag-ring yung phone ko at sa lahat ba naman ng tatawag sa akin, si Marian pa talaga?
"Yes, po?"
"[A-ahh..anak, do you want to eat dinner here in our house? I cooked your favorite. Carbonara.]"
"Favorite ko ho pala yung carbonara?"
"[Yes, anak, you really love it..]"
"U-uhm..may pupuntahan pa ho kasi ako eih.."
"[Will you refuse my offer? Minsan lang tayo magkita, anak..lagi kang nasa dorm mo at minsan lang din tayo makakain ng dinner ng sabay...]"
Hay...
"Uhm, puntahan ko lang po yung pupuntahan ko. Mabilis lang naman po ako eih.." Sagot ko sa kanya at panaka-nakang tinitignan yung loob ng warehouse sa maliit na uwang sa pinto.
"[Lalamig na itong carbonara, anak..gusto mo ba yun?]"
Shit, alam niyang hindi ako nakakatanggi sa carbonara.
"Ah..eh.."
"[Dali na, anak, for your mom?]"
"N-nagkita lang po tayo kanina, d-diba.."
To be honest, hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong humindi kay Marian. Siguro dahil sa carbonara? Pero kaya ko naman kumain nun kahit kailan eih. Pwede ko namang iend na lang itong call at pumasok na ng tuluyan sa warehouse na ito pero I still couldn't.
![](https://img.wattpad.com/cover/207983470-288-k321050.jpg)
YOU ARE READING
It Doesn't Really Matter
Fiksi UmumAll of the things that had happened to her didn't really matter. But when she got into an accident and no one was there for her, it mattered.