CHAPTER 9

14 1 0
                                    


EXPERIENCE

Nagising ako sa paulit-ulit na pag-yugyog sa akin ng kung sino at muffled voices galing dito. Iritable kong iminulat ang aking mga mata at tinignan ang pigura.

"Marie! Mabuti't gising ka na!" Napapalundag pa na sambit ni Chelzy. Napailing ako at umupo.

Lalamya-lamya kong inabot ang phone ko sa study table sa tabi ng kama ko upang tignan kung anong oras na.

5:37

"Puta, ang aga aga pa lang, Chelzy! 8 o'clock pa pasok natin, for pete's sake!" Naiirita kong sambit at sinamaan siya ng tingin.

"Gaga! Hindi naman kita gigisingin ng bigla bigla ng walang rason!" Nakapamewang na ani niya. "Nasa labas yung nanay mo!" Dagdag pa nito.

Nanlaki agad ang aking mga mata at agad na pumasok sa C.R at nilock ang pinto.

"Hoy! Bakit ka naman nandyan?!"

"Sabihin mo hindi ako magising!"

"Bakit naman?"

Dumungaw ako, "Basta! Ayoko lang siyang makita!" Nakangusong sambit ko at iwinasiwas ko siya gamit ng aking kamay hanggang sa makalabas na siya ng kwarto namin.

"Hoy! 'Pag sa akin hindi naniwala si Tita Marian, hahampasin kita pag-akyat ko!" I heard her muffled voice dahil tuluyan na niyang sinara ang pinto.

As her steps eventually not being heard, I messed up my hair and get out from the bathroom.

Natutuliro akong bumalik sa aking higaan at tamad na binuksan ang aking phone. May isang text at galing iyon kay Adan which I didn't expect.

'I hope you had a safe trip! Also, good morning! I'll see you tomorrow pagkauwi ko.' It said.

Napailing na lang ako at napabalikwas nang biglang bumukas ang pinto at puta nga naman! Inuluwa nito si Marian na muntik pang masiksik si Chelzy.

"Anak?! A-akala ko ba'y natutulog ka?" Nagtatakang tanong ni Marian. Napaiwas naman ako ng tingin at umisip ng sasabihing palusot.

"A-ahh..k-kakagising ko lang po!" Palusot ko at napakamot pa sa aking batok.

Napatingin naman ako kay Chelzy na malapit na atang maging violet dahil napipipi na siya ni Marian.

"Uhm..si Chelzy p-po.." Turo ko kay Chelzy at ngayon lang niya napansin na maliit lang ang pagkakaawang ng pintuan at napipipi niya si Chelzy.

"Ay! Naku kang bata ka! Sorry, sorry!"

Agad namang nakahinga ulit si Chelzy at mabilis na pinuntahan ako at umupo sa tabi ko.

"What do you need from me?" I asked her straightforwardly. Ke aga aga kasi pumunta rito at 'di man lang nagsabi.

Bigla namang umamo ang mukha ni Marian at lumapit pa sa akin, "I just want to know if you had fun in Baguio with Adan.." Nakangiting pahayag nito at natutuliro naman akong tumango.

"Ng ganito kaaga?"

Natatawa niya akong pinalo ng pabiro sa braso, "Maaga kasi akong nagising dahil may pupuntahan pa ako.." Paliwanag niya.

Tumango naman ako, "Yes, po. I had fun naman." Pagsasagot ko sa tanong niya.

"That's good! I know that you'd have fun with him." Nakangiting sambit niya. "I also heard na inatake raw yung caretaker ng bahay nila Adan! Ano bang nangyari sa kanya?" Ang curious naman nito masyado, ang daming tinatanong.

"According to Aling Nena, nagulat lamang daw siya dahil nakita niyang nag-aaway yung aso't pusa ng kapitbahay niya.." Tinatamad kong sagot.

"Ah ganun ba? Sana naman ay maayos na siya ngayon.."

It Doesn't Really MatterWhere stories live. Discover now