Author's note:Hi, everyone! I'm requesting you all to read this note first before proceeding to this chapter. May iba po akong ibinago sa mga nakaraang chapters pero ganoon pa rin naman po ang daloy ng storya. Hindi naman po necessary na basahin niyo po ulit lahat dahil kakaunti lang naman po ang mga ibinago ko ngunit kung gusto niyo po, feel free to re-read it po. Btw, keep safe po always! Always wash our hands po and stay at home po. That's all, thank you!
IT'S STARTING
"Marie? Hello? You won't open it?" Napabalik ako sa aking sarili nang kinalabit ako ni Chelzy.
I stopped staring at the envelope and weakly smiled, "S-siguro uhm...mam-maya na lang..."
"Matanong ko lang din, who gave this to you?" Pahapyaw kong tanong habang ibinibulsa ko ang envelope gamit ang nanginginig kong kamay.
"Walang name. Nakita ko lang sa mailbox nung paalis ako kagabi para puntahan ka." Paliwanag nito.
"A-ah..." Nasabi ko na lang habang hinahanap pa ang sarili na tila nawala nang makita ko ang nakasulat sa envelope.
"Hindi pa kayo tapos diyan? Umiinit na yung pagkain natin, Hattie." Napabaling ako kay Adan nang tignan niya kami.
Napahawak ako ng mahigpit sa envelope at balisang bumalik sa aming pwesto kahit na napansin kong naguguluhan si Chelzy sa inaasal ko.
Agad akong napailing at sinubukang ngumiti, "Pasensya na nga pala kanina, Adan ahh."
Natawa ito, "Yeah yeah. Nakakatawa pa rin yung ginawa mo, Winona."
Siniko ko siya dahil tinawag niya si Chelzy sa second name nito. Narinig ko namang natawa ng may halong panunuya si Chelzy sa likod ko.
"You really called me by my second name huh? How come you knew me?" She asked and her eyes were peered to Adan.
"I'm Hattie's childhood friend." He responded.
"I asked how do you knew me not who you are to Marleigh, dumbass." Napasinghal naman si Adan at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ni Chelzy.
"I've mentioned it earlier." Sagot ko.
"Also kaya ko rin alam yung mga ganyan dahil parang pinaubaya ka na sa akin ni Tita Marian so kahit hindi mo ipakilala si Winona, kilala ko na siya." Sagot nito.
Napairap ako nang banggitin niya ulit yun. Hindi pa rin ako makapaniwalang pinaubaya ako ni Marian sa hindi ko naman kilala. Kahit naman wala akong amnesia, alam kong hindi ko siya kilala at hindi kami childhood bestfriends!!
"Well, if that's the case then don't call me by my second name. Just call me, Chelzy, 'kay?"
"Roger that, Madame." Sumaludo pa ito na parang ewan bago kumagat sa kanyang sandwich.
Nailing na lang ako at palihim na inilagay ang envelope sa aking bag at yumuko na lang. Inabot ko ang strawberry jam at naglagay sa aking tinapay.
"Yan lang kakainin mo?" Tanong ni Adan.
Umiling, "Hindi, pero ito lang muna."
Siniko ko si Chelzy at binigyan siya ng sandwich. Ngumiti naman ito at agad na kinagatan iyon.
"Uhm, Adan..." Tinawag ko ang atensyon ni Adan at tumingin naman siya sa akin pabalik, "Diba kaya tayo pumunta rito dahil paboritong lugar ito ng iyong kuya?" Dugtong ko.
"At death anniversary niya ngayon diba?.."
"Oo, nabanggit ko nga iyon." Ngumiti itong ng malungkot.
![](https://img.wattpad.com/cover/207983470-288-k321050.jpg)
YOU ARE READING
It Doesn't Really Matter
Ficțiune generalăAll of the things that had happened to her didn't really matter. But when she got into an accident and no one was there for her, it mattered.