Juliene POV
"Juliene ikaw ba yan?" nakangiting tanong ni James pagkalapit sakin.
"Oo ako nga 'to. Anong gingawa mo dito?"
"IKAW NGA!!! Dito na rin kase ako mag-aaral" nakangiting sabi niya.Bakit naman kay siya lumipat.
"Bakit ka nga pala lumipat?"
"Family problem.Dahil don sa nangyaring away naming magkapatid.Bakit ka lumipat?" sabi niya at umupo na sa vacant seat na katabi ko.Dahil ba don sa away nilang magkapatid.Ganon ba ka big deal yon.
"Ah eh Gusto ko lang" nakapagsinungaling ako ng wala sa oras.Ang totoo naman kase dahil din don sa nangyari.
"Sino siya?" tanong ni James sakin na nakaturo ang kamay kay Cyrus.
"A siya ba Class----
Hindi ko na natapos sasabihin ko ng bigla na lang magsalita si Cyrus.
"Boyfriend n'ya" sabi ni Cyrus kay James.Bakit niya sinabi yon.Unti unti akong lumingon kay James.
Nagulat ako ng mag-iba ang expresyon ng mukha niya.Kung kanina todo ngiti siya.Pero ngayon para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
"James Ano ka ba nag--
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiing
Panira naman ng moment.Sasabihin ko na sana na niloloko lang siya ni Cyrus eh.
"Okay Class Dismiss" sabi nong prof dito.Bakit ba nag bell.2 Hours palang ang klase ah.Tama break time na.
Bigla na lang akong hinila ni James palabas.Ano bang nangyayari sa kanya.Tiningnan ko naman si Cyrus ng wait for me look.Hindi naman siya sumunod samin ni James.
"Totoo ba yon?" tanong niya pagkatapos niya akong dalhin dito sa hindi mataong lugar.Bakit bakas sa boses niya ang pagkalungkot.
"Ano ka ba Nagbibiro lang yon" pagkasabi ko ng salitang yon Biglang nagliwanag ang mukha niya.Bakit naman kaya.Ikinagulat ko ng bigla niya akong yakapin.
"B-bakit?
.
"Mahal kita Juliene alam mo ba yon.Lahat ng narinig mo ng gabing yon totoo yon.I like you." sabi ni james sakin habang yakap yakap niya ako.Hindi na ko nagsalita at ramdam na ramdam ko naman na tototoo ang sinasabi niya.Pero parang iba ang feeling ko sa kanya.Ibang-iba talaga sa nararamdaman ko sa kapatid niya at kay Cyrus.
"Akala ko totoo yung sinabi ng nong lalaking yon.Masyado talaga akong kinabahan"
"B-Bakit ka naman kinabahan?" mautal utal kong tanong sa kanya.
"Akala ko kase baka wala na kong lugar sa puso mo" sabi niya na nakayakap pa rin sakin.
Totoo ba talaga ang sinasabi niya.Oh My GOd.Anong gagawin ko?
"Hintayin mo muna ang panahon at obserbahan mo muna kong may feeling ka rin sa kanya." -sabi ng isang bahagi ng utak ko.
Tama maghihintay muna ako ng mahabang panahon para malaman kong may feeling din ako sa kanya.
"Huwag mo isiping niloloko kita.Isipin mo na totoo lahat ng narinig mo at Higit sa lahat mahal kita" sabi niya sakin saka tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
"P-pano naman nangyari yon? Hindi pa nga kita masyadong kilala eh" lakas loob kong tanong sa kanya.Hindi ko pa talaga siya kilala.Nakilala ko lang siya nong party dahil siya ang naka-arrange sakin.