11

29 3 0
                                    


Jo Yuri

Monday morning, habang ako'y nag te-take ng notes daldal ng daldal si Seonho sa tabi ko.

"Alam mo bang may bago tayong classmate ngayon? Yan sabi ni Tita eh basta taga Hanlim daw siya"


Napatigil ako sa pagnonotes, base sa history ng skwelahan. Never pa sila nagkaroon ng transferee galing Hanlim dahil di sila tumatanggap ng kaaway ng school.

"I wonder kung maganda ba siya o gwapo? Arts school din siya nag aaral right? So magaling siyang sumayaw at kumanta ganon? Nako baka babae jo--"

Pinutol ko ang mga salita ni Seonho "Whoop! Bago ka muna dumada about da jowa paniguraduhin mo muna yung grado mo sa Music and Arts. Nakakahiya sa babaeng yun kapag nakita niyang grado mo kuwatro"

"Naman eh"

"Anong naman eh? Umayos ka Yoo Seonho andito na si Maam" sabi ko sa kanya, napanguso na lamang siya at umayos ng upo.

Pumasok si Maam na may kasamang babae, ang cute niya. Pero siyempre mas cute ako! Charot.

"Class, I want you to meet your new classmate from Hanlim Multi Arts High School" bumaling si Maam sa girl "Magpakilala kana"

"Hi! Ako nga po pala si Kim Sohye. Sana po magkaroon ako ng maraming kaibigan dito!"

Ang cute niya! Sarap pisilin ang pisngi niya

"Sige Miss Sohye, dun ka umupo sa tabi ni Mr. Ahn" tinuro ni Mrs. Yoon yung bakanteng upuan sa likod na tabi ni Hyeongseob na nakatunganga.

"Ano ba yan si Hyeongseob, baka mapasukan pa ng langaw yung baba niya kakanganga" bulong ni Seonho. Mahina akong napatawa at bumaling kay Maam Para makinig

___

Lunch time na, wala talaga akong planong mag lunch kasi di ako gutom. Lalabas sana ako para bumili ng lapis para sa Science namin mamaya nang may isang pamilyar na boses ang tumatawag saken.

"Joyul!" Isa lang naman tumatawag saken ng ganon iyon ay si Woojin. Nilingon ko siya.

"Oh bakit?"

"Sa canteen ka ba papunta? Tara sabay na tayo. Libre kita" ang sarap sa tenga pakinggan yung libre pero no thanks for me. Ang hirap maging first section lalo na't mataas ang expectations ng teacher sayo.

"Sorry but I can't"

Ngunit nagulat ako nang bigla niyang inilagay ang malalaki at mabibigat niyang braso sa shoulders ko "Naman kase eh. Just come with me and let's eat. Namamayat kana oh"

"I'll take that as a compliment"

Patuloy akong naglakad paalis nang bigla niyang hawakan ang kamay ko tightly at hinatak sa canteen.

"No, Let's eat" sabi niya at napatingin saken "Marami akong chika sayo"

I rolled my eyes at hinayaan siyang hatakin ako. Masyado siyang malakas para labanan ko seriously.

Matapos niyang mag order ay kumain kami siyempre, alangan man titigan ang pagkain diba? Charot. Pero kain siya ng kain dada siya ng dada. about ata yun sa landiang Baboy Pato sa room na di siya relate kaya sabi niya magtratransfer siya sa section namin next time.

"Oh and Joyul!" Tawag niya

Napatingin ako sa kanya "Po?"

Napangiti siya at nilagay ang kamay sa chin na parang babae. "I think I'll start moving on now. You're right. I really love her so I should start to let her go to make her happy"

Usapang Sohye. Which reminds me. Si Sohye ang bagong transfer student sa room namin. Ikukuwento ko sana iyon sa kanya nang dumating si Hyeongseob na hinihingal.

"P-President"

"Oh kumalma ka muna. Ba't ka hinihingal?"

Napahawak si Hyeongseob sa lamesa at ininom ang tubig ni Woojin "Yung bago nating classmate"

"Oh anyare?" Kinakabahan na ako kaya napatayo na rin ako sa kinauupuan ko

"Dinala siya sa clinic"


Mahina akong napamura at hinablot at hinatak si Woojin papuntang clinic.

Love is an open door || Park Woojin x Jo YuriWhere stories live. Discover now