6

32 3 9
                                    


Jo Yuri's POV

Ilang araw na mula nung maconfine si Woojin sa ospital ngunit, ayaw ni Jihoon ipaalam sa parents niya ang kanyang kalagayan. Di ko na tinanong, baka personal eh.

Sa ngayon ay kami lang ni Woojin dito sa kwarto dahil umuwi pa si Yena kasama si Jihoon. First time kong magbantay ng pasyente na iniwan ng kasama, and it feels like-- so awkward.

Ganyan ba magbantay ng pasyente mag isa?

Kumuha ako ng upuan at umupo sa tabi ng higaan at pinagmasdan ang mukha niya habang natutulog.

Gwapo ka din naman pala Woojin e, basagulero nga lang. Dejok baka nabugbog ka lang diba?

"Huwag mo kong titigan baka matunaw ako"

Nanlaki mga mata ko at umiling iling. Di ko pala namalayan na nagising na si Woojin. Gage nahuli ka pa Yuri kahiya ka!

"D-di ah! Ano lang kase, m-may lamok kanina s-sa mukha mo k-kaya nag dadalawang isip akong patayin yon kasi b-baka magising ka" palusot ko. Sana magwork.

"I already caught you, do you really need to lie?" Napataas naman kilay ko.

Was I really staring him for too long?

Nataranta ako nang bumangon siya at pilit na tanggalin yung dextrose na nakatusok sa bandang wrist niya kaya pinigilan ko siya.

"Ano ba Woojin! Humiga ka diyan!"

"Okay na ako, kailangan ko banatan yung mukha ng mga gagong yun"

"Di ka pa okay! Tignan mo may mga sugat ka pa!"

"Tsk, malayo naman sa bituka to"

"Mama mo malayo sa bituka!"

"Mama ko walang pake saken."

Napatigil ako sa sinabi niya. Walang pake? Napatigil nalang din siya sa pagtanggal at bumalik sa paghiga at napabuntong hininga.

"Tawagin ko nalang yung doctor para macheck ka" lumabas agad ako ng kwarto para tawagin yung doctor.

Park Woojin's POV

Sumasakit parin ulo ko nang inaalala ang nangyari sa gabing yon.

Pinagtutulungan ako ng 10 na tao ng Gagong Yedam na yun. Unfair pa kasi may dala silang baseball bat tas isa lang ako tsaka walang kung ano anong dala kaya may pasa rin ako. Konti lang naman.

Maya maya ay dumating na yung doktor.

Tinignan ko lang si Yuri at nginitian at itiuon na ang atensyon sa mga nagchecheck up saken.

__


Nagising ako ng walang tao sa buong room, babangon sana ako nang makaramdam ako ng maininit at malambot na bagay na nakahawak sa kamay ko.

Yuri. Natutulog siya in an uncomfortable position habang hawak hawak ang kamay ko. Napangiti lamang ako at dahan dahang nilagay sa likod niya yung kumot para makumotan siya at bumalik sa paghiga.  At pumikit.

Hawak parin ang kamay niya.


"Park Woo--" di naituloy ang pagsigaw ni Yena nang tabunan ni Jihoon ang bibig niya gamit ang kamay niya. 

Kunwari di ko nakita no?

"Huwag kang maingay natutulog yung dalawa oh" rinig ko parin kahit nakabulong si Jihoon.

"Eh papaga-"

"Shh, huwag ka nalang maingay okay? Dun nalang muna tayo sa baba magpahangin"



Hinintay ko munang maisarado nila yung pinto bago ko binukas ang mga mata ko at tignan kung nagising ba si Yuri.

Mukhang wala naman.



Bumalik na lamang ako sa pagtulog at  hinigpitan ang hawak ng kamay niya.







Author's Note:

Hi? I'm back? Hehe charot sabi ko naman sainyo medyo matatagalan yung process neto bago pa maupdate kasi medj true to life to sooooo ipapatuloy ko na po. Enjoy!!!

Love is an open door || Park Woojin x Jo YuriWhere stories live. Discover now