chapter 8 (Drunk)

2.5K 83 2
                                    

chapter 8

ENJOY READING 😘💕

"My God, Shaneya! you mean to say aalis kana dito sa bar? mawawalan na ng magandang dancer ang bar na ito?"
malungkot na wika ni Mandy.

"sira! nandito ka pa naman mandy,gustuhin ko mang sabihin sayo ang dahilan ko pero hindi talaga pwede"

"okay lang noh!,at tama na nga yang kalungkutan na 'yan lets go Dance!"

Nakaka- engganyo nga naman kasi ang maharot na tugtugin at ang maharot na pag sasayaw ng mga tao sa loob ng bar.

"lets go! sha'ne"

"Okay!"

mabilis na tumayo ang dalawa at humalo sa mga taong ang sasayaw.

ilang sandali pa ay masayang nag sasayaw ang dalawa kasama ang mga tao na naroon.
habang lumalalim ang gabi , nagiging maharot ang pag sasayaw ni Shaneya,dahil madami narin ang nainom niyang Tequella.

at wala siyang pakialam Kung masyadong nagiging pansinin sila ni Mandy dahil sa pagiging magaslaw ng sayaw nila bukod pa sa talaga namang napansin-pansin ang ganda nilang dalawa. nakahigit nga lang ang kay Shaneya keysa sa kasama nito.

"pagod na ako! punta muna ako sa rest room! pasigaw na saad ni Shaneya na bahagya ng nakakaramdam nang pagkahilo
maging ang tila pag baliktad ng sikmura ay pilit na nilalabanan ng dalaga.

"Okay!" pasigaw din ang tugon ni Mandy na hindi nag Abalang sumama sa kaniya.

bahagyang madilim sa bahaging iyon na patungo sa powder room, bukod sa talaga namang nahihilo siya. pakapa-kapa ang pamaybay niya sa pader upang huwag matisod dahil sa kanyang pakiwari ay hindi pantay ang dinadaanan niyang semento.

may isang baitang na pababa patungo sa pinto ng cr at pilit na inaaninaw ni Shaneya upang tiyaking hindi siya matatapilok doon.

may isang malaking bulto ng katawan ang nakiraan sa kanyang tagiliran,isang lalaki na siguro ay papunta sa CR.

naiwan sa dindaanan nito ang mabangong amoy na humahalo sa hangin,at nalanghap ni Shaneya ang amoy at pamilyar ito sa kanya. hindi maunawaan ng dalaga kung bakit biglang -bigla ay nag dulot ito sa kanya ng kaba.

nag taas ng paningin ang dalaga at tinangka niyang habulin ng tingin ang lalaki na sa kanyang pagkabigla ay nakatayo pa pala sa kanyang harapan.

"Ay!" dahil sa gulat ay bahagyang dumulas ang kanyang paa ang pagewang-gewang niyang tayo ay dahil sa pag kahilo ay tuluyang bibigay.

"Ops!" ngunit maagap ang lalaki,ang malalaki at mamasel na mga bisig ay agad na sumalo sa pag bagsak niya sa semento.

"watch out!"

ang buong bigat ni Shaneya ay sinalo ng lalaki.

safe and sound, iyon ang kasiguruhang naramdaman ni Shaneya right there and then. ang kanyang mga tuhod na kanina ay nanlalambot at pilit niyang nilalabanan ay hinayaan niyang tuluyang bumigay.

"A-Ashton?" nagulat pa siya na sa nanlalabo niyang paningin ay nakilala niya sa dilim ang may ari ng mga bisig na sumalo sa kanya.

"You're drunk!" matigas at pagalit na tinig nito.
"Hindi gawain ng isang matinong babae ang mag lasing sa bar to the point na pahapay-hapay na sa pag lakad.

at walang babalang pinangko siya ni Asthon,napasigaw si Shaneya sa kabiglaan.

"No!" ngunit walang tigas ang kanyang pag tanggi,na halos pabulong nya pa itong nasabi.

"youre hard headed woman, i told not to go without informing me, paano nalang kung ibang lalaki ang nakakita sayo"

hindi mapigilan ni Ashton na paluin ang behind ng dalaga.

Innocent Angel & the  Importunate strangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon