Chapter 43 (COMPLICATED)

1.3K 33 3
                                    

chapter 43

Pagkalabas ni Shaneya sa hospital ay dumiretso sila sa Unit ni Ashton dahil sa haba ng kanilang discussion ay hindi talaga nagpatalo ang lalaki sa gusto ni Shaneya na mamuhay na mag isa.

Napagkasunduan nilang sa unit ni Ashton titira kasama ni Salve.

Hindi rin ito magtatrabaho sa loob ng isang Linggo dahil kailangan niyan ng pahinga ayon na rin sa kaibigan niyang doctor na si Daniel.

Of course about Daniel eh hindi ito pwedeng dumalaw kay Shaneya sa Unit ni Ashton all pero hindi pumayag si Shaneya na hindi niya ito makakausap kaya tuloy parin ang kanilang communication sa kabila ng matigas na pagtutol ni Ashton sa gusto niya.

mabilis ding nailipat ang mga gamit niya dahil nag hire si Ashton ng mga tao na kumuha ng mga gamit niya sa dating tirahan.

Nakatulala lang si Shaneya sa bilis ng pangyayari.

Ang hirap ng pinagdaanan niya nung mawalay Sa lalaki at kay Tammy sa loob ng halos tatlong bwan e ganito lang pala ang kahinatnan sa kamay parin siya ni Ashton bumagsak.

Feeling niya sayang yung mga gabing iniyak niya sa pagkamiss sa dalawa tapos sa ganito lang rin sila hahantong.

Nakaramdam din siya ng hiya sa lalaki dahil sa ginawa.

buong akala niya habangbuhay na niyang pagtataguan si Ashton.

Nagkakamali siya.

.

.

.

.

Kinusot ni Shaneya ang mga mata para di na malaglag ang mga luha na nagbabanyang kumuwala.

"Little Angel, baka ganito talaga ang kapalaran natin, we can't escape to your dad"

"Ano na ang gagawin ko ngayon? ganito ulit ang nangyari sa atin anak.."

"Paano ko ba matatakasan ang tatay mo ng di nya tayo nahahanap?"

"Don't you dare,do that again"

"Ay! palakang bukid!" Muntik na siyang mapatalon ng magsalita si Ashton sa likuran niya. mukhang narinig nito ang mga sentimyento niya kanina.

"Ano ba! ba't ka nandyan?"

"This is my house"

"Alam ko! pero bakit di ka kumatok?

"Should I ?"

Nalaglag ang panga niya dito.

"Hoy! Ashton, hindi porket bahay mo to e basta ka nalang mang invade ng privacy ng isang tao"

"I don't think so"

Hindi makapaniwalang nakanganga ito at nameywang sa harap ng lalaki.

"Sa susunod matuto kang kumatok!" Galit na wika nito sabay labas ng kwarto.

Namumula ang mukha na dumiretso siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig para makalma ang puso niyang kanina pa tumalbog sa bilis ng tibok.

Nahihiya na naman siya sa lalaki kaya kailangan niyang magalit para mapagtakpan ang tunay niyang nararamdaman.

Hindi pa siya nagtatagal sa kusina ay nakarinig  siya ng pagkatok.

Mabilis na nilingon niya ito at muntik na naman siyang kumaripas ng takbo ng makita na naman si Ashton.

"Oh,ghad self kalma lang,.. kaya mo yan..Ano ba't sunod ng sunod ang lalaking ito! "

"Ano na naman ba?"

Innocent Angel & the  Importunate strangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon