Chapter 36 ( Temporary Shelter ♥️)

1.4K 39 0
                                    

Chapter 36

Matapos ang masayang lunch nila ni Daniel ay sinamahan siya ng lalaki sa office ng pinsan nito.

"Don't worry sasabihin ko na kay Hans huwag kang papagurin sa trabaho"

"Nako, huwag na Daniel nakakahiya naman, alam ko naman na di pa ako fit sa trabahong ito dahil di pa ako nakapagtapos, kaya kahit anong posisyon ay ayos lang sa akin."

"Don't worry Shaneya madaling kausap si Hans at alam kong papayag siya na huwag kang bigyan ng mabigat na trabaho"

"Daniel.."

"Enough of arguing nandito na tayo sa harap ng opisina nya so relax lang okay akong bahala"

Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon ayon.

Hindi na kumatok si Daniel at basta na lang niyang pinihit ang pinto. Napalaki ang mga mata niya.

"Why?"

"Bakit hindi ka kumatok?"

"Don't worry---"

"Yes Miss, don't worry sanay na ako, hindi talaga marunong kumatok ang pinsan kong 'yan! Tsk! "--- Hans

"Have a sit Sexy"

"Daniel!" Pigil ang boses na mapalakas ng sawayin niya ang kaibigan.

"It's okay Miss, Daniel is always like that.by the way My name is Hans Beckham Daniels favorite cousin how may I help you?"

"Hindi kita paborito wala lang akong choice dahil ikaw lang naman ang pinsan ko" Nakaingos na sagot ni Daniel.

"Well..."

Nagpalipat-lipat ng tingin si Shaneya sa dalawa. malayo sa ine-expect niyang mangyayari ang nasasaksihan niya ngayon.
somehow natutuwa siya. hindi kasi nakaka-pressure na boss ang nasa harapan niya ngayon.

"Ahm.. excuse me Sir My name is Shaneya Ulsin and----"

"Yes Miss nabasa ko na ang Resume mo and I have an idea about You. don't worry qualified ka sa inaaplayan mo, sa katunayan pwede ka ng magsimula bukas." masayang wika ni Hans sa kanya.

"T-talaga ho sir? salamat po"

"You're welcome Miss at gusto lang kitang warningan dito sa kasama mo na huwag kang maiinlove dito dahil masasaktan ka lang."

"H-ho?"

"Tumigil ka Hans. magkaibigan lang kami ni Shaneya at may.... boyfriend na siya"

"Really Miss? sayang naman at hindi ka na pala available well mabuti narin yun at hindi ka mapapahamak sa lukong 'to"

"Stop it Hans kung ayaw mong malaman ni pearl ang mga kalukuhan mo"

Si pearl ang secretarya ni Hans na matagal na niyang diniskartehan pero lumipas lang ang ilang taon ay hindi parin siya makapasa pasa sa babae.

"Don't you dare Daniel."

"So shut your mouth Hans."

Pinaikot lang ng lakaki ang mga mata at binalik ang tingin sa kanya at ngumiti.

"Ahmmm.. sige po Mr. Beckham babalik na lang po ako bukas maraming salamat po sa pagtanggap nyo sa akin dito sa kumpanya nyo."

"You're welcome again Miss."

"tss. Lets go Shaneya."

"Ahm. sige Sir Thank you po ulit."

"No prob Shaneya see you tomorrow"

Isang makahulugang sulyap ang iniwan ni Daniel sa pinsan na kinatawa nito.

"Bye... Miss!" Pahabol na sigaw nito kay Shaneya at agad naman nahila na ni Daniel palabas ng office ng pinsan.











Innocent Angel & the  Importunate strangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon