Chapter One - 2 Become 1 (SPG)

125 9 35
                                    

[☝On Media: Jovena & Jaydie☝]

Dedicated to: angelmarie02

Dedicated to: angelmarie02

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JOVENA'S POV

Quezon City, Philippines05 August (Monday) - 8:30 PM(Restaurant)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Quezon City, Philippines
05 August (Monday) - 8:30 PM
(Restaurant)

"Sana magustuhan mo babyloves," excited at hindi mapakaling sambit ko habang pinagmamasdan ko si Jaydie na tinatanggal mula sa pagkaka-kahon ang matagal kong pinag-ipunang latest version ng Huawei Y9 Prime.

Pati pansarili kong ipon ay nagalaw ko na para lang maibili siya ng bagong cellphone ngayong espesyal na araw naming dalawa. Kakasira lang kasi ng cellphone nya, kaya naman perfect gift talaga ito para sa kanya.

Magkatapat kaming nakaupo sa isang mesa na pinagitnaan ng maraming pagkain na para lamang sa aming dalawa.

"Oo naman, alam na alam talaga ng babyloves ko kung anong mga pangangailangan ko," sagot nito sa tonong may panlalambing, kinikilig ako.

"Syempre naman babyloves ko, girlfriend mo kaya ako. At alam mo bang pinagsikapan kong pag-ipunan yan pero kahit mahal yan basta para sayo. Hindi ako manghihinayang," hindi na din ako mapakali na malaman kung anong regalo ang matatanggap ko mula kay Jaydie.

Ayokong mag-assume, kahit small gift lang at mumurahing regalo basta galing sa kanya, masaya na ako.

Nag-aaral pa kasi ito kaya wala pang trabaho na alam kong mabuti na rin para sa magandang future naming dalawa.

Bilib ako sa kanya dahil kahit di na siya bumabata ay hindi niya ikinakahiyang nag-aaral siya sa edad na 26, nagsisikap siyang makapagtapos kahit man lang daw senior high school.

Pero mas maganda nang mangarap ng mas mataas, kaya may deal kami na ako na ang magpapa-aral sa kanya pagdating niya ng college.

"Babyloves ko, ako din ba may gift?" excited at malambing kong tanong kay Jaydie.

Ang kaninang masaya niyang awra ay napalitan ng pagkunot nito ng noo na agad din namang napalitan ng malungkot na ekspresyon.

"Kasi babyloves... Pinag-iipunan ko pa ang regalo ko sayo, hindi kasi naging sapat ang ipon ko kaya hindi ako nakabili ng regalo ko sayo... Balak ko sana babyloves ko na sa pasko ko na lang ibibigay sayo..."

Ang Babaeng Marupok [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon