Chapter Eleven - Para-paraan

22 1 5
                                    

[☝On Media: Top Row (Jovena & Randy), Bottom Row (Nica & Carmina)☝]

Dedicated to: angelmarie02

JOVENA'S POV

Quezon City, Philippines22 August (Thursday) - 12:00 NN(Restaurant)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Quezon City, Philippines
22 August (Thursday) - 12:00 NN
(Restaurant)

Nag-halfday kami mula sa work at kumakain sa restaurant, libre ng birthday girl na si Nica.

Mula nang malaman ko kung saan ang clinic ni Randy ay ako na mismo ang nag-isip ng mga paraan para mas lalo nya akong magustuhan.

Inirekomenda ko sya sa halos lahat ng aking mga ka-trabaho, kaibigan, at malalapit na kamag-anak na magpapa-konsulta ng ngipin.

Si Nica na may birthday ngayon ay ililibre ko pa ng cleaning para lang may dahilan akong makita si Randy.

"Pupunta tayo ngayon sa dentist. Diba bes birthday mo ngayon? Dahil dyan, ito ang regalo ko sayo. Ipapalinis ko ang ngipin mo sa kakilala kong dentist," mahaba at masayang sabi ko kay Nica.

"Nakakainis ka naman, Jovena. Parang sinabi mo na mabaho ang hininga ko at kailangan ko nang magpalinis ng bibig," seryosong sagot naman ni Nica na halatang naaasar sa sinabi ko.

"Bes, sorry naman. Hindi naman sa ganoon. Alam mo kasi na, meron ako ngayong dine-date na dentist diba? At 3 days na kaming hindi nagkikita. Namimiss ko na sya... Kaya ako na ang gagawa ng paraan para makita ko sya uli," sabi ko pa sa kanya.

Pansamantala nyang itinigil ang pagsubo nya sa kinakain para titigan ako ng mata sa mata.

"At ako pa talaga ang ikakasangkapan mo para you have a legit reason kung bakit mo sya pupuntahan? Huh?" sabi pa nya na may kasamang pag-ikot ng mga mata.

"Yup, I really like him and I miss him..." agad kong sagot.

"Eh bakit hindi na lang kaya ikaw ang magpalinis sa kanya ng ngipin?"

"Hello??? Alam mo namang nagugustuhan ko yung tao tapos nganganga ako sa harap nya para ipabungkad ang lahat ng dumi sa bibig ko? Nakakahiya! Kaya ikaw na lang, isa pa, libre ko naman eh. Para makilala nyo na rin ang soon to be BF ko. Diba matagal nyo na akong kinukulit ni Carmina na makilala sya?" sabi ko kay Nica.

"Tsk! Ngayon alam ko na kung bakit ang bilis mong nakipag-hiwalay kay Jaydie," malisyosong sabi nya sakin.

"Eh si Jaydie naman kasi ang nagsimula ng lahat, nakita ko sya na may kahalikang ibang babae sa bar, diba alam nyo naman yun? Kayo pa nga unang nakakita. Pero nagpapasalamat na din ako na nangyari yun, kasi dahil dun. Nakilala ko si Papa Randy ko,"

"Oo na, sige, payag na akong magpa-cleaning. Tagal ko na ding gustong makilala yang Papa Randy mong yan. Let's see kung talagang gwapo nga yan at papasa sakin,"

Ang Babaeng Marupok [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon