Chapter Two - Girls Just Wanna Have Fun

54 9 27
                                    

[☝On Media: Nica, Jovena & Carmina☝]

Dedicated to: pangetako023

JOVENA'S POV

Quezon City, Philippines06 August (Tuesday) - 9:30 AM(Jovena's Apartment)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Quezon City, Philippines
06 August (Tuesday) - 9:30 AM
(Jovena's Apartment)

Nagising ako sa sikat ng araw at wala na si Jaydie sa tabi ko.

Naiintindihan ko naman kung bakit, dahil may pasok din ito sa school ngayon.

Tatayo na sana ako upang magtungo sa banyo nang makaramdam ako ng pananakit ng katawan lalo na sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Pinilit kong tumayo dahil normal lang din naman ito.

Itinupi ko ang kumot nang makita ko ang bedsheet ng kama ko.

Hindi na ako nagulat sa nakita kong dugo dito dahil ito ang simbolo na tapos na ang pagiging birhen ko.

Napangiti ako ng maalala ko ang naganap sa amin ni Jaydie kagabi.

Nasa wastong gulang na din naman kaming dalawa para sa ganitong mga bagay, 26 siya samantalang ako ay 24.

Kasal na lang talaga ang kulang sa aming dalawa.

Pero hindi pa mangyayari yun hangga't hindi pa nakaka-graduate si Jaydie at hindi pa namin natutupad ang kanya-kanya naming mga pangarap.

Alam kong nagtataka kayo kung bakit sa edad na 26 ay nasa senior high school pa lang ang Babyloves ko.

Bukod kasi sa puro ito kalokohan noong junior high school ito ay napilitan din itong tumigil sa pag-aaral dahil na din sa kakulangan ng suporta at pinansyal.

Namatay na ang ina nito, samantalang ang ama naman nito nakakulong na sa bilangguan dahil sa pagkakasangkot nito sa pagbebenta ng drugs, kaya naman noong nagkahulihan ay kasama itong nadampot ng mga pulis.

Si Jaydie naman, simula ng maganap yun ay nagpasya na lamang na lisanin ang lugar na kinalakihan.

Hanggang sa mapadpad nga siya dito sa Maynila at nagkakilala kami.

Tandang-tanda ko pa noong isang gabi na galing ako sa trabaho, naglalakad ako sa isang madilim na kanto pauwi.

Sobrang kokonti na lang ang mga taong gising noong mga oras na iyon.

Muntikan na akong ma-rape ng tatlong adik, mabuti na lamang at dumating si Jaydie.

Ipinagtanggol niya ako sa mga iyon.

Isa laban sa tatlo, siya ang nanalo.

Masasabi kong sanay si Jaydie sa gawaing basag-ulo dahil madali niya lang napatumba ang tatlong kalaban.

Iyon ang una naming pagkikita na pinagpapasalamat ko.

Pinakain ko siya dahil halatang matagal na din itong hindi kumakain at nagugutom na, nakuha niya ang tiwala ko dahil ganoon ako sa tao pag may mabuting dulot sa buhay ko ay madali akong magtiwala.

Ang Babaeng Marupok [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon